Dingdong Dantes sang "Bakit Ngayon Ka Lang" when the Malaysian press requested the award-winning actor to give them a sample of his singing. The Kapuso actor also made a guest appearance on some TV shows there.

Photo: Courtesy of Perry Lansigan

Ikalawang araw ngayon ni Dingdong Dantes sa Malaysia.

Kahapon, April 26, lumipad ang Kapuso actor sa Malaysia para i-promote ang teleserye nila ni Marian Rivera, ang Endless Love, na ipinapalabas sa nasabing bansa. 

Nagkataon namang may press conference si Marian para sa kanyang bagong sitcom, ang Tweets For My Sweets, kahapon kung kaya’t si Dingdong lang ang nakaalis at nakapunta ng Malaysia.

               

Ang teleserye nilang Endless Love na ipinalabas sa Pilipinas noong 2010 ay kasalukuyang ipinapalabas sa Malaysia na naka-dub sa wikang Bahasa, na siyang lengguwahe ng Malaysia.

               

Masaya si Dingdong dahil nakita at nasaksihan niya mismo ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Malaysia. 

Hindi nga raw maikakaila na sikat sa ngayon ang loveteam nina Dingdong at Marian sa naturang bansa. 

               

Ngayong araw, April 27, ay hectic raw ang schedule ng actor.

               

Nauna na rito ang press conference sa studio ng TV3, ang network na nagpapalabas ng Endless Love sa Malaysia. 

Halos limampung press people daw ang dumating sa press conference para mag-interview kay Dingdong.

               

Maging ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ay nagugulat dahil ang dami raw alam ng mga press sa Pinoy actor sa pamamagitan ng mga tanong na ibinabato ng mga ito.

Kahit ang pag-aaral ni Dingdong sa Bacolod ay naitanong sa kanya.

Ang unang naging tanong daw ay ang pagka-curios ng Malaysian press sa pangalan ni Dingdong. 

May mahaba raw siyang tunay na pangalan na Jose Sixto Dantes III, pero bakit daw Dingdong ang itinatawag sa kanya.

               

Pinalakpakan naman daw ang tanong ng isang press kung kailan ba magpo-propose ng kasal ang aktor kay Marian. 

Sinagot naman daw ito ni Dingdong ng, “I am praying for that too."

               

Tinanong din si Dingdong kung ano ang  kanyang 10 favorite things.

               

Sagot ni Dingdong: “Cross [crucifix], watch, bike, fave ring, toys [life-size toys, superheroes], belt, pocket squares, cell phone, iPad, 90’s rock band particularly Pearl Jam, and bracelet.”

               

Hinilingan din daw ng mga press si Dingdong na kumanta kahit isang linya lang daw. 

Pinaunlakan naman sila ng aktor sa pamamagitan ng kantang “Bakit Ngayon Ka Lang” ni Ogie Alcasid na pinalakpakan ng mga tao.

               

Sa araw ring ito ay may live interview si Dingdong sa MEODI ng TV3, na isang lifestyle, infotainment show. 

Panauhin din daw si Dingdong sa WHI, ang number one woman talk show sa Malaysia. 

Ang nag-interview raw kay Dingdong ay ang Malaysian talk show hosts na sina Fiza and Reena.

               

Bukas naman, April 28, ang meet-and-greet ni Dingdong sa mgafans ng serye nila doon sa Ipoh Perak (Carnival Jom Heboh) sa northern State of Malaysia, which is two hours away from Kuala Lumpur.

               

Ikalawang pagpunta na ni Dingdong sa Malaysia. Ang una ay nang i-promote nila ni Marian ang ipapalabas pa lang noon na Marimar.