news

Korean Ryan Bang opts to stay in PHL: “Mas masaya po ako dito.”

by Nerisa Almo posted on April 28, 2012  STATS: 14228 Views | 17 Comments

Korean Ryan Bang explains why he has chosen to stay in the  Philippines: “Sinabi ko po dati pa, kahit hindi pa po ako artista, masaya po ako dito, dati pa... Kahit bago pa ako artista talagang mahal na mahal ko po yung dito.”

Photo By: Noel Orsal

Masaya na raw dito sa Pilipinas ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Ryan Bang kaya hindi siya nanghihinayan na umayaw sa isang TV project na gagawin sana niya sa bansang kanyang pinanggalingan, ang South Korea.

Bagamat pagkakataon sana ito para muling makasama ang kanyang pamilya sa Korea, mas pinili na raw ni Ryan ang manatili sa bansa dahil na rin sa mga Kapamilya niya sa ABS-CBN—partikular na ang mga kasamahan niya sa daily variety show na It’s Showtime.

Ayon kay Ryan, na nag-aaral pa ring magsalita ng diretso sa Tagalog, “May offer po ako last week sa Korea, malaking reality comedy show.

“Pero gusto ko pa stay dito sa Philippines, e, mas masaya. Kahit nandiyan [sa Korea] yung pamilya ko, mas masaya po ako dito.

“Hindi ko pa tinanggap. Masaya pa ako dito.

“Pero yung nanay ko, gusto niya ako dun e, sa Korea, kasi namimiss niya ako.

“Wala pa ako isip e. Masaya ako sa Showtime, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ryan pagkatapos ng press conference ng Star Cinema para sa Every Breath U Take. Ito ay ginanap kahapon, Abril 26, sa Dolcelatte, sa Quezon Avenue, Quezon City.

SAVING UP FOR HIS FAMILY. Aminado si Ryan na kung tinanggap niya ang offer sa Korea, maaaring mas malaki ang kitain niya at matulad siya sa dating Star Circle Quest alumna na si Sandara Park, na ngayon ay miyembro na ng kilalang all-female KPop group na 2NE1.

Subalit sabi ng 20-year-old TV host actor, “In love na ako kay Showtime, e. Sobrang happy pa ako.

“Siguro alam ko pag pumunta ako sa Korea ngayon dahil sa offer, siguro baka mas malaki yung kita ko.

“Pero sa tingin ko mas masaya ako dito kasi sobrang happy ako ngayon.

“E, baka malungkot ako dun kahit malaki kita.”

Sa halip na pumunta sa Korea para makasama ang pamilya, mag-iipon na lamang daw si Ryan para madala sila dito sa Pilipinas.

“Siyempre hindi naman ako ayoko sa Korea, mahal ko din kasi galing ako dun, e.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  rockabye

    04/29/2012 | 09:09 AM
    I like this guy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Manster10

    04/29/2012 | 08:19 AM
    hindi mawawala ang showtime bka timeslot lang malilipat tulad nang sa my beloved heh.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  onechismis

    04/29/2012 | 05:42 AM
    14, e sa masaya yung tao? hindi naman palagi pera na lang. biruin mo walang dugong pinoy yan pero sobrang magmahal sa pinas! tama na pagiging nega, baka atakihin ka niyan. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  panday1

    04/29/2012 | 12:26 AM
    HINDI BA NAISIP NI RYAN NA HINDI MAGTATAGAL ANG SHOWTIME? Tambak ang ratings ng Showtime kahit sa KANTAR MEDIA na pagmamay-ari din ng DOS. Malamang next year, wala na naman trabaho itong si Ryan at magsisi siya at pinakawalang niya yung alok sa kanya sa KOREA. May utak ba manager ni Ryan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  chowee143

    04/28/2012 | 09:49 PM
    ok na ok sken ang batang to, npapa tawa nya aq at higit sa lht magalang, may po at opo, ganyan kc sa korea, magagalang ang mga kabataan sa nakaka tanda, yumuyuko pa sila para mag bgay galang at nde cla pde lumaban sa nkakatanda, hayyyssst sna gnyan din mga kabataang pinoy, nde ung nagpupumilit maging asal banyaga , pde nmn pero atleast ung totoong kaugalian pinoy ay nde mwawala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Clara Pastor

    04/28/2012 | 08:47 PM
    kaaliw talaga c ryan,,dagdag din sya sa showtime para sumaya,,medyo shy pa sya,,like him!!!sana more blessing and good career awaits you..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  butching

    04/28/2012 | 08:00 PM
    i've seen him a couple of times on Showtime, halos maihi ako sa salawal ko sa kakatawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pinkturtle

    04/28/2012 | 06:44 PM
    Mabuti pa itong batang ito, kung magsalita laging may po at opo. Yung mga batang nasa Pinas, nagpapakabanyaga. kalurki. Love Ryan, very natural ung pagiging inosente niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gareen

    04/28/2012 | 06:11 PM
    i like him...he's nice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • koreapep

    04/28/2012 | 04:46 PM
    ryan looks a very nice guy. keep it up ryan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    04/28/2012 | 04:03 PM
    tama. basahin muna bago magcomment. nahahalatang nganga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapuspalad1

    04/28/2012 | 03:08 PM
    milomilo123 - MAY OFFER DIN SYA DUN.sana binasa mo rin ang article before nagcoment noh?para di ka magmukhang ewan. peace..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/28/2012 | 02:58 PM
    siempre kumikita ka rito at hindi ka kilala doon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    04/28/2012 | 02:39 PM
    O di ba, at least may isa na naman banyaga ang may sense of loyalty sa bansa natin. To think na mas magiging maganda ang buhay niya sa Korea. Andun lahat, pamilya niya, mas malaking kita, saka yung mga kaibigan niya. Pero mas minabuti niya na manatili dito kasi dito siya sa ating bansa mas masaya. Hindi ipinagpalit ang mas malaking kita. May kilala ako kasing ganyan eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Xray

    04/28/2012 | 01:43 PM
    In fairness, aware siya sa current affairs at napa-banggit pa ang guerra di tulad ng ibang pinoy na artista na clueless at walang malay or paki sa mga nangyayari sa sariling bayan. Bilib din ako sa kanya dahil madali lang siyang natutong mag-tagalog kahit hindi pa fluent, nag-eeffort kasi siya talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manster10

    04/28/2012 | 10:26 AM
    sayang pinakawalan mo ung offer sa Korea kaw na sana susunod sa yapak ni Sandara wew., pero oks lang its more fun in the Philippines lalo na sa Showtime galing nang mga banat nyu dun heh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mawar

    04/28/2012 | 10:04 AM
    tama yan ryan, kung saan ka masaya doon ka....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About