Grace Poe Llamanzares, as chair of the MTRCB, has organized the first-ever child summit aimed at protecting children in the entertainment industry. The summit tries to cover facets of children exposed in entertainment such as those who are just auditioning, those in conflict with the law and children as audience.

Photo: Melo Balingit

Ginanap noong nakaraang Miyerkules, April 25, sa Mabini Bldg. ng Malacañang Palace ang kauna-unahang Child Summit ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. 

Ang ginanap na Child Summit ay naglalayong  masuportahan at mabigyan ng proteksiyon ang mga batang nasa entertainment industry.

Sa pangunguna ni MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares, nagsilbing summit panelists ang mga dating child stars na sina Aiza Seguerra, Niño Muhlach, Sheryl Cruz, Rayver Cruz, at ang teen star na si Robi Domingo.

Naging moderator naman ang news anchor at TV host ng ABS-CBN na si Anthony Taberna.

   

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Grace, tinanong namin kung bakit isinulong ng MTRCB ang kauna-unahang Child Summit.

Paliwanag niya, “Marami kasi sa ating mga kababayan, kahit sa industriya, hindi pa siguro nila kabisado ang mga regulasyon na nandiyan. 

“Pinagsasama-sama natin lahat ng ahensiya ng gobyerno na tumututok sa mga bata…

“'Tulad ng DSWD [Department of Social Welfare and Development], DOLE [Department of Labor and Employment], DepEd [Department of Education], MTRCB…

“‘Tapos, di ba, hindi rin naman palaging kasalanan ng network?

“Hindi rin naman kasalanan palagi ng manonood siyempre, magulang ng bata mismo ang may responsiblidad kaya pinaaalahanan natin sila.

   

“Ito ay para paalalahan din ang mga magulang na kailangan talagang magtabi ng pera dahil hindi naman habambuhay ang pagiging sikat ng isang artista.”

Suportado rin ng mga iba’t ibang networks 'tulad ng ABS-CBN, GMA-7, TV5 ang proyekto na ito ng MTRCB.

Sa summit, naglahad ang mga representative ng tatlong malalaking networks kung paano nila pinangangalagaan ang kani-kanilang mga batang artista.

   

“Yun na nga, ang ganda ng presentation ng ABS," sabi ng MTRCB chairperson.

“Sana magtuluy-tuloy na hindi mawala sa ating isip na ang prayoridad natin ay yung mga pinakawalang laban sa lahat—at yun ang mga bata.

   

“Wala kasing censors. 

"Para sa amin, ‘pag matanda ka na, kung ang ating lipunan ay puro matanda, puwede nilang panoorin maski na ano halos. 

“Kaya lang naman tayo nagkakaroon ng limitasyon dahil nga maraming mga batang nanonood.