Karylle on getting her dream role via Kitchen Musical and even getting a best actress nomination: “Hindi ko talaga in-expect. Ang iniisip ko lang talaga, I always felt that I was born at the wrong time. Kasi ‘di ba Sampaguita days, musical [ang uso]. Bakit ‘di na lang ako pinanganak nung Sampaguita days? Sabi ko nga,‘Sana dumating din yung time na may musical.’

Photo: Noel Orsal

Isa sa isyung pinag-uusapan at pinagtatalunan sa industriya ay kung sino ba ang karapatdapat tanghaling National Artist—si Dolphy, Vilma Santos o si Nora Aunor?

Kinikilala bilang Hari ng Komedya si Dolphy, samantalang Star For All Seasons naman si Vilma, at Superstar naman si Nora.

Kung kontribusyon at mga naiambag sa showbiz ang pag-uusapan, walang puwedeng kumuwestiyon sa nagawa ng tatlong nabanggit na maituturing na institusyon sa industriya.

    

Sa nakaraang launching ng bagong MTV ni Karylle  para sa “Found my Smile Again” noong  Miyerkules, April 25, sa Centerstage sa Timog Avenue, Quezon City, hiningan namin siya ng reaksiyon kung ang long-time partner ng ina nitong si Zsa Zsa Padilla na si Dolphy ba ang dapat na hirangin na National Artist.

   

“Mahirap kasing mag-force ng isang bagay. We all know he deserves it, so I’m sure darating din yun. Hopefully, soon para masaya naman.”

  

Hindi lingid sa showbiz na labas-pasok na sa hospital ang Comedy King dala na rin sa kanyang edad at madalas na pagkakasakit.

Paano sinusuportahan ni Karylle ang inang si Zsa-Zsa Padilla na siya talagang nag-aalaga at nag-aasikaso kay Dolphy?

   

“I always pray for him. ‘Di ko siya nakita recently kasi medyo naging busy, pero ano naman talaga... sana maging tuluy-tuloy na yung good health niya.

   

“Kailangan niya na maging strong. Siyempre 'pag may isang tao na mas weak kailangan ikaw ang nagiging sandigan nila, you’re the rock,” pagtukoy niya sa kanyang ina.

   

“Wala, I’m just there whenever she needs me. Nagpapatawa ako minsan kahit di naman ako comedienne. 

“Kahit waley yung mga jokes ko para lang ma-lighten yung mood, ‘di ba?

HER IT'S SHOWTIME FAMILY. Nabalita kumakailan ang away raw sa pagitan ng It’s Showtime director na si direk Bobet Vidanes at ang co-host nilang si Vice Ganda.

Dahil dito, lumabas ang isyung nag-resign daw si direk Bobet bilang director ng It's Showtime

Ipinaliwanag ni Vice noong Linggo, April 22, sa The Buzz ang tungkol sa issue pero may ilan pa ring  naniniwala na may 'di sila napagkakasunduan ng direktor. 

“Actually, wala namang naganap na ganun. But of course ‘pag ‘di kasi masyadong sinasagot ang intriga, nagiging magulo siya. 

“’Di naman ako directly involved, although family ko sila,” pagtukoy niya sa kanyang mga kasamahan sa It’s Showtime.

“Mahirap magsalita kasi ‘di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Wala kasi talaga akong alam sa issue and I don’t want to talk about it.

“As for me, I can’t really talk for them, hindi ko kasi alam talaga.

   

“Of course, alam ninyo one of the things na lagi ko pa ring binababalikan is the time we moved to the new studio.

“And alam mo mayroon kaming mga pangako sa isa’t-isa na walang iwanan talaga.”

Patuloy pa rin ang paglabas ng mga negatibong balita tungkol kay Vice na mahirap daw itong pakisamahan at prima donna sa set. 

  

“No, 'di siya mahirap kasama. Actually nakasama ko siya the other day sa Boracay, nag-volleyball pa nga kami.