Sarah Lahbati is preparing for her new teleserye on GMA-7, Makapiling Kang Muli. Also in the cast are Richard Gutierrez, Carla Abellana and Jennylyn Mercado.

Photo: Noel Orsal

Naghahanda na raw si Sarah Lahbati para sa taping ng bagong primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli kung saan bida si Richard Gutierrez. 

Ito ang unang nabanggit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makakuwentuhan siya recently sa bakuran ng Kapuso Network.

“Hindi pa po ako nag-start mag-taping,” sabi ng young actress.

“Pero sina Carla [Abellana], sina Ate Jen [Jennylyn Mercado], nakapagsimula na sila.  I think nakarami na sila ng mga eksenang nakunan.

“But I heard, itong susunod na week ang taping ko.  And excited na po ako.

“Ang role ko, bale laki akong Maynila.  Pero magkakagusto ako kay Mark Anthony Fernandez.

“Hanggang sa mapadpad ako sa rancho.  Makikilala ko si Richard.  At maraming mga twist na magaganap.

“First week pa nga lang ng script, ang dami ng mga nangyayari.  Na kapag binasa mo, parang… nakakaloka naman ‘to,  sobrang intense na!” sabay tawa ni Sarah.

Tantiya raw ng young actress magiging komportable siyang katrabaho ang lahat ng artistang nasa cast ng nasabing serye particular na ang bida rito na si Richard.

“Sobrang okey.  Sobrang steady.  Relaxed.

“Lahat sila okey katrabaho.  And, ‘yon nga… excited na akong mag-start mag-taping.

“Uhm… siyempre, hindi pa nga ako nakakapag-taping so medyo may ano pa rin sa isip ko kung ano ba ang dapat kong i-expect sa first taping day ko.  Pero siyempre ang nangingibabaw na feeling is… excitement.”

ON DERRICK. Napabungisngis si Sarah nang ang sunod na maging tanong sa kanya ay kung kumusta na sila ni Derrick Monasterio.  Dati kasi ay maingay na napag-uusapan ang tungkol sa panliligaw nito sa kanya.

Pero lately, parang nawala ang namumuong romansa sa pagitan nila.  May narinig pa kami na sinabi diumano ni Derrick na nagagalit daw si Sarah kapag sinasagot ng young actor ang mga tanong tungkol sa kanya.

Totoo nga bang hindi niya gustong nagiging topic siya ng mga panayam kay Derrick?