news

Sarah Lahbati says Derrick Monasterio and Alden Richards are both boyfriend material: "Pareho silang ano… different in a very good way."

by Ruben Marasigan posted on April 28, 2012  STATS: 8090 Views | 8 Comments

Sarah Lahbati is preparing for her new teleserye on GMA-7, Makapiling Kang Muli. Also in the cast are Richard Gutierrez, Carla Abellana and Jennylyn Mercado.

Photo By: Noel Orsal

Naghahanda na raw si Sarah Lahbati para sa taping ng bagong primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli kung saan bida si Richard Gutierrez. 

Ito ang unang nabanggit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makakuwentuhan siya recently sa bakuran ng Kapuso Network.

“Hindi pa po ako nag-start mag-taping,” sabi ng young actress.

“Pero sina Carla [Abellana], sina Ate Jen [Jennylyn Mercado], nakapagsimula na sila.  I think nakarami na sila ng mga eksenang nakunan.

“But I heard, itong susunod na week ang taping ko.  And excited na po ako.

“Ang role ko, bale laki akong Maynila.  Pero magkakagusto ako kay Mark Anthony Fernandez.

“Hanggang sa mapadpad ako sa rancho.  Makikilala ko si Richard.  At maraming mga twist na magaganap.

“First week pa nga lang ng script, ang dami ng mga nangyayari.  Na kapag binasa mo, parang… nakakaloka naman ‘to,  sobrang intense na!” sabay tawa ni Sarah.

Tantiya raw ng young actress magiging komportable siyang katrabaho ang lahat ng artistang nasa cast ng nasabing serye particular na ang bida rito na si Richard.

“Sobrang okey.  Sobrang steady.  Relaxed.

“Lahat sila okey katrabaho.  And, ‘yon nga… excited na akong mag-start mag-taping.

“Uhm… siyempre, hindi pa nga ako nakakapag-taping so medyo may ano pa rin sa isip ko kung ano ba ang dapat kong i-expect sa first taping day ko.  Pero siyempre ang nangingibabaw na feeling is… excitement.”

ON DERRICK. Napabungisngis si Sarah nang ang sunod na maging tanong sa kanya ay kung kumusta na sila ni Derrick Monasterio.  Dati kasi ay maingay na napag-uusapan ang tungkol sa panliligaw nito sa kanya.

Pero lately, parang nawala ang namumuong romansa sa pagitan nila.  May narinig pa kami na sinabi diumano ni Derrick na nagagalit daw si Sarah kapag sinasagot ng young actor ang mga tanong tungkol sa kanya.

Totoo nga bang hindi niya gustong nagiging topic siya ng mga panayam kay Derrick?

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • alexangel

    04/30/2012 | 12:03 PM
    bratinella, kasama ba jan yung nagpabuntis sa menor de edad at hindi pinanagutan? LOL! or yung maldita na dinemanda ng sariling kapatid? o baka naman yung leading man kuno ng maldita na leading lady rin? hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    04/30/2012 | 04:54 AM
    hwag munang mag bf dahil pulos walang k ang mga nanliligaw sa iyo. pulos mga wannabe ang suitors kaya wait for the right guy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    04/29/2012 | 09:24 AM
    talagang binanggit ang mga leading ladies DAW ng GMA. ewww walang wala sa kalingkingan ng mga tunay na sikat na mga girls sa ABS. hindi ko na babanggitin kung ilan sila kasi masyadong madaming maganda at sikat, 5 lang naman pala ang maipagmamalaki ng gma kasama ang palengkera at aborsyonista. ewwww!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Stantiel

    04/28/2012 | 11:16 PM
    Lovely girl!!! Marian, Lovi, Isabelle, Carla and Sarah - the best!!! Undefeated worldclass pretty babes! Unbeatable!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    04/28/2012 | 09:34 PM
    MARIAN, CARLA, RHIAN, SARAH L. and JULIE ANNE ang totoong magaganda at magagaling!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/28/2012 | 05:13 PM
    goodluck sa new teleserye nyo MAKAPILING KANG MULI... aabangan namin yan!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yeoj_com

    04/28/2012 | 05:12 PM
    much..much.. pretty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MandK

    04/28/2012 | 02:18 PM
    she is Pretty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About