[x]

Young actor Rocco Nacino plays the ttle role of the Ilocano folklore hero, Lam-ang. Rocco is in Ilocos Sur shooting the film.

Photo: Malou Tibayan

Tuluy-tuloy ang shooting ng Lam-ang sa Ilocos Sur.

Itoang biggest movie project ni Rocco Nacino dahil siya ang napili na gumanap bilang Lam-ang.

Alam ni Rocco na bahag lamang ang kanyang costume  sa pelikula kaya pinaghandaan niya ang kanyang mga eksena.

Naging regular ang pagpunta ni Rocco sa gym para mawala ang unwanted pounds. Nag-boxing siya. Nagkaroon din siya ng martial arts training bilang paghahanda  sa mga fight scenes niya sa pelikula.

Kahapon, April 27, ay isinugod siya sa isang ospital sa Ilocos Sur dahil namaga ang kanyang mukha at nagkaroon siya ng mga pantal sa katawan, matapos kumain ng tahong at ng exotic food na itlog ng malaking langgam.


Nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang kalagayan, ito ang mensahe ng StarStruck alumnus sa text:

"Well, my face is swollen. Pero doctor says I‘ll be fine basta ituloy ko yung gamot na ininom ko kanina. Eto puro pantal ang katawan. Namamaga ang leeg at mukha."