Is Jules Knight of the British boy band Blake courting KC Concepcion? "We do communicate, we do, but again he doesn’t even live here so always, pag ganun...I’m not ready to make an effort... kasi I gave so much of myself... in the past,” KC says.

Photo: Monching Jaramillo

Isa si Sharon Cuneta sa naging paboritong pukulin ng mga below the belt na komento sa Twitter. 

Sa nakaraang interview sa Megastar, inamin ng aktres na dumating talaga sa punto na nakipagpalitan siya ng mga maaanghang na salita na alam niyang di niya dapat ginawa sa kanyang mga bashers.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anak ni Mega na si KC Concepcion, agad naming kinumusta ang ina nito. Tinanong din naman kung ano ang reaksyon niya sa mga Twitter bashers.
 
 
Ayon kay KC, “Busy sa show niya, taking care of her health.  One of those things na na-realize niya na kailangan niyang i-prioriitze ngayon lang but she’s happy. 
 
 
"I think she’s more peaceful, she’s taking life slow and peaceful.
 
 
“Natuto na rin siya sa Twitter... It was so new and exciting and siyempre, Mommy ko pa naman, she’s passionate. Pag nag-react, very honest ang reaction niya.
 
 
"Walang edit so na-enjoy niya yun, but after a while, nakakapagod din. So I guess she’s just resting and when she tweets now, she tries to be positive na.”
 
 
SISTERS. Very close si KC sa mga kapatid sa ama na si Garrie Concepcion at Cloie Syquia-Skarne.
 
 
Very emotional si Cloie tuwing mapag-uusapan na hindi pa nito nami-meet nang personal ang ama nilang si Gabby Concepcion. Bagay na para kay KC ay kauna-unawa naman dahil dumaan din siya sa ganitong sitwasyon.
 
 
“For me honestly, I understand Cloie. Bago for her young age yung concept na kailangan niyang makilala yung biological father niya.
 
 
"Kami ng Ate Garrie niya, we also took our time. 
 
 
"She's still a teenager, we were in our 20s nung hinanap namin yung Tatay namin and it’s okay. She’s still a teenager, there’s no real pressure.    
 
 
“I also hope na yung mga fans niya, yung mga supporters niya, they don’t pressure her also. Wag nilang masamain na di pa siya ready.  
 
 
"Bilang Ate niya na pinagdaanan din yung pinagdadaanan niya, parang hindi rin madali.  Marami ka ring kailangang i-figure out sa mind mo.
 
 
"Hindi mo alam how you’re gonna feel.  E, lalo kaming dalawa kamukha namin yung tatay namin.
 
 
"So ako, I grew up with him but when I saw him, ang unang pumasok sa isip ko parang, 'Oh, galing talaga ako sa iyo, I know you now.' 
 
 
"So I guess, it’s same with her and it’s okay, it will come.”
 
 
JULES KNIGHT. Nali-link si KC kay Jules Knight, isa sa miyembro ng British band na Blake.
 
 
Nanliligaw ba talaga sa kanya ang British singer?
 
 
“For now, I said it naman before, he’s a great guy, he’s very sweet, passionate din siya. 
 
 
"Tinanong ko nga siya, 'Jules, do you have a temper?' Ang sabi niya sa akin, 'It’s not temper, it’s passion.'
 
 
"He’s really sweet, he’s really nice, but I’m not, I don’t wanna pressure myself na porke’t siya yung nandiyan, yun na. 
 
 
"I wanna get to know [him]. I wanna make him a friend.
 
 
"Gusto mong malaman kung ano ang nakikita ko, yun siya, hindi siya yung best foot forward.
 
 
"I think I appreciate him as a friend right now.
 
 
"First time na nangyari sa akin ang ginawa niya publicly, nangarag talaga ako, that was a first but aside from that, it’s also a personal thing.  Right now I’m not comfortable entertaining it pa na todo-todo.
 
 
“We do communicate, we do, but again he doesn’t even live here so always, pag ganun...I’m not ready to make an effort... kasi I gave so much of myself... in the past.”
 
 
Bukas ba siya sa bagong relasyon?
 
 
“Serious relationship, not yet. I’m meeting really lovely people but it doesn’t mean just because nanligaw, kailangan siya na. 
 
 
"It’s always nice to let them know that you appreciate them but you’re not ready... I told Jules that also.”