Although he transfered from the Liberal Party (LP) to the Vice-President Jejomar Binay-led Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Manny Pacquiao says he will continue to support President Noynoy Aquino's programs.

Photo: Noel Orsal

Sa taped interview na ipinalabas kanina sa Startalk TX, Sabado, April 28, sa unang pagkakataon ay sinagot ni Sarangani Representative Manny Pacquiao ang akusasyong isa siyang "political butterfly."

Kasunod ito ng desisyon niyang lumipat ng ibang partidong politikal.

Galing sa Liberal Party (LP) si Manny at lumipat ito sa partido ni Vice-President Jejomar Binay, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

“About the party naman, importante magtulungan tayo. Ang ginagawa natin, hindi naman porke’t lumipat ako sa [PDP-Laban], hindi natin susuportahan yung programa ng Pangulo [Noynoy Aquino].

“Lagi nating suportado ang lahat ng mga programa ng Pangulo basta ayon sa natutulungan nito ang mamamayang Pilipino,” ayon sa pahayag ni Manny.

Puspusan na ang ensayo ng pambansang Kamao sa Baguio City para sa laban nila ni Timothy Bradley sa June 9.

Earlier this week, si Pacquiao ay napabilang sa taunang listahan ng Forbes Magazine ng Most Influential Athletes. The Manny Many Prizes host placed fourth.

“Siguro… salamat sa lahat ng mga fans lalung-lalo na sa lahat ng mga Pilipino na walang sawang nagdadasal at sumusuporta.”

Ayon naman sa misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao…

“Happy ako para sa kanya. Pero mas masaya ako kung siya ang pinaka-maimpluwensiyang tao na naging malapit sa Diyos.”

Samantala, ayaw nang patulan ni Manny ang mga nag-iintriga sa kanyang malaking pagbabago.

“I’ll pray for them, God bless them.

“Sabi ko nga e, God, He will appear a second time, not to bear sin, but to bring salvation to those who are waiting.”

Ayon naman kay Jinkee…

“Dapat maging masaya na lamang sila na nandito kami ngayon, na naging mas closer pa sa Panginoon, iyon din ang dapat nilang gawin. Read the Bible, read the word of God!