Isabelle Daza on her mom Gloria Diaz's disagreement with Annabelle Rama: “Alam mo deadma lang kami diyan kasi alam mo, parang magkapatid na kami ni Raymond [Gutierrez, Annabelle's son]."

Photo: Nimfa Bonifacio

Sinagot ni Isabelle Daza ang isyu tungkol sa diumano’y hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng inang si Gloria Diaz.

Nagsimula ang diumano’y misunderstanding sa isang pictorial ni Isabelle para sa isang magazine, na umano’y hindi nagustuhan ng ina nito ang mga seksing damit na ipinasuot kay Isabelle.

Sa taped interview kay Isabelle na ipinalabas kanina sa Startalk TX, April 28, Sabado...

“I think every relationship… mother and daughter, you know, and father and son, and everything has its ups and downs.

“Siyempre hindi naman laging nagkakasundo.

“But I think everything’s okay naman.”

And Isabelle maintains she is still her mom’s number one supporter.

“Yeah, I’m very proud of her!”

Tungkol naman sa alitan sa pagitan ng ina niya at ni Annabelle Rama, nagbigay rin ng pahayag si Isabelle bilang kaibigan naman ni Raymond Gutierrez at ng mga kapatid nitong sina Richard at Ruffa Gutierrez.

“Alam mo deadma lang kami diyan kasi alam mo, parang magkapatid na kami ni Raymond.

“At siyempre, kilala ko rin si Chard at si Ruffa. Close naman ang pamilya namin and I think okay naman ngayon,” pahayag ni Isabelle.