news

Derek Ramsay on being a Box Office King: “Hindi pa rin nagsi-sink in, e.”

by Nerisa Almo posted on April 29, 2012  STATS: 3766 Views | 13 Comments

Derek Ramsay worries he may get emotional upon receiving the Box Office King award from Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation tonight, April 29. He says, “Baka hindi ako makapagpasalamat o makapagsalita ‘cause when I get emotional, which is very rare, I can’t talk."

Photo By: Melo Balingit
Pararangalan bilang Box Office King ang aktor na si Derek Ramsay ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation mamayang gabi, Abril 29.
 
Masaya ang aktor sa kauna-unahang award na makukuha niya bilang aktor. Subalit aminado siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakuha niya ito dahil sa tagumpay na nakamit ng mga nakaraan niyang pelikula, ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.
 
“I was in Boracay playing golf when I got the news. Hindi pa rin nagsi-sink in, e,” sabi ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya matapos ang story conference para sa susunod niyang pelikula sa Viva Films. Ito ay naganap noong Biyernes, Abril 27, sa opisina ng Viva Entertainment sa Ortigas, Pasig City.
 
Patuloy na pahayag pa ni Derek, “Ang dami nang preparations—what I’m gonna wear, what I’m gonna say—I just haven’t realized that it’s there.
 
“Siguro when I get up onstage, that’s when it’s going to sink in.”
 
Bahagyang nababahala daw si Derek dahil baka maiyak na lang siya habang tinatanggap ang parangal sa kanya.
 
“That’s what I’m worried about,” ani Derek.
 
“When it all sinks in, I get very emotional.
 
“I was saying earlier nga na baka hindi ako makapagpasalamat o makapagsalita ‘cause when I get emotional, which is very rare, I can’t talk.
 
“We’ll see on the night itself what will happen.”
 
IMPROVING AS AN ACTOR. Sa mga nakalipas na panayam ng PEP kay Derek, inamin niya na bago para sa kanya ang career niya bilang aktor. Kaya naman ginagawa niya ang anumang abot ng kanyang makakaya para mapabuti ito.
 
Sa kabila ng Box Office King award, batid ni Derek na malayo pa siya sa pagiging mahusay na aktor.
 
“I’m not yet made as an actor even after receiving this award. I still have a lot to prove,” ani Derek.
 
Hindi pa rin daw siya dapat maikumpara sa mga nakaraang Box Office Kings tulad nina Vic Sotto at John Lloyd Cruz dahil...
 
“They’re made as actors.
 
“They’ve proven so much. It is my first award. It’s crazy na Box Office King pa ang napunta sa akin.”
 
Dagdag pa ni Derek, “Vic Sotto and John Lloyd Cruz, those are the made guys.
 
“They’ve gone through the whole process and they made their way to the top.
 
“I’m just on my way. Hopefully, I can make it to the level that they are at.
 
“But this award is something that will push me towards this level.
 
“Like I said, I don’t know what I’m feeling for receiving such an award.
 
“I’ll feel it all the way when I get on the stage.”
 
IT'S A TEAM EFFORT. Kasabay ng pagkahirang sa kanya bilang Box Office King ng 2011, tumanggap din si Derek ng mga paninira mula sa ibang tao, partikular na sa mga social networking sites.
 
May ilang umanong nagsabi sa kanya na kaya lang naging tagumpay ang kanyang mga pelikula dahil sa kanyang mga nakasamang artista.
 
Hindi naman ito itinanggi ni Derek.
 
Aniya, “You guys know me as a sporty guy. Eighty percent of why I got this award is because of the people I worked with.
 
“You know, I can’t do a movie by myself. This is the reason why the movies did so well.
 
“Kaya ‘yang mga negative, ‘Naging successful ang mga pelikula dahil sa mga co-artist niya.’ That’s true.”
 
Gayunman, ipinaliwanag ni Derek na team effort naman ang kinailangan para maging patok ang mga pelikula nila.
 
“Kung sila rin lang naman at wala ako roon, hindi rin mangyayari.
 
“So, when you do a movie, it’s a team effort.
 
“If every actor is competing for an award and not for the success of the film, hindi magiging maganda ang pelikula.
 
"So, just like with sports, if you think about yourself and not the well-being of the team, the team is not gonna win.”
 
Kaya naman lubos din ang pasasalamat ng aktor sa mga nakasama niya sa pelikula.
 
Sabi ni Derek, “This is a combined effort and my thank you is gonna go to everyone that I worked with that made the movie such a success.
 
“It’s the reason why I got this award.”
 
Pagkatapos nitong Box Office King award, naghahangad na rin ba si Derek na magkamit pa ng parangal bilang Best Actor?
 
“I’m not looking forward to be a best actor,” sagot ni Derek.
 
“I’m going to do the same thing—do my part and, hopefully, we have a very good movie.
 
“If I get recognized, that’s good.
 
“Just like when you play sports, your goal is to win the title. If you get recognized as MVP, best defensive player, those are just bonuses.”
 
MOVIE WITH KC AND ANNE. Samantala, nawala man siya sa pelikulang ginagawa ng Star Cinema, nagpapasalamat naman si Derek Ramsay dahil agad siyang nabigyan ng panibagong movie project ng Viva Films.
 
Si Derek Ramsay ang napiling magiging leading man nina KC Concepcion at Anne Curtis sa pelikulang may working title na Nothing Compares To You.
 
“Every project is a blessing. This is a big blessing,” ani Derek
 
“I found out that I’ve lost the movie with Bea [Alonzo], I was very sad.
 
“But on the same day, I got a call from my manager, ‘O, you’re doing a movie with KC and Anne.’
 
“I was able to get back on my feet right away. Now, I’m going to do a movie with KC and Anne.”
 
Sabik na raw siya sa pagsasama muli nila ni Anne sa trabaho. Gayundin, inaasahan niyang magiging maganda ang unang pagkakataong makatrabaho si KC sa isang pelikula.
 
Para kay Derek, mabuti para sa kanya ang makatrabaho ang iba't ibang artista..
 
Sabi pa niya, “I’m willing to work with any artist because I want to grow as an artist.
 
“The only way for me to grow as an artist is to do different projects with different people.”
1  

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  jed_raz8

    04/30/2012 | 03:39 PM
    pnu nman kc mag sink in sau ung award n yan eh ndi nman ikaw ang dahilan kung bkit dinumog at kumita ung movie n yan... haizz.. wag n mag ilusyon. kita mo nga un corazon bkit di mo nahatak ung box office kung tlgang ikaw un dahilan sa mga movies n naghit.. kayud marino k sa kka press release mo ah knkbhan knb n mwala k sa limelight?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  MandK

    04/30/2012 | 12:55 AM
    bakit kaya ang daming bitter? move on na mga indai..wala naman kayong pakialam kung anong gawin ni derek kung sino man gustong lumipat..decision nila yon,at least si derek naka box office king kahit sandali lang sa showbiz ..eh yong mga idol niyo mayron ba/ decades na sa industry zero parin..kaya please huwga maging bitter kasi may kanya kanyang dahilan sila kung bakit sila lumipat...sila lang naman ang naging maayos lumipat hindi sila bitter sa management dahil may respito at maayos ang pag uusap..ask natin ang abs kung bakit hindi naman pinagsabihan si derek na matanggal na siya sa isang movie? sino ngayon ang bastos? ganyan tumira ang starcinema/abs
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pepster31

    04/30/2012 | 12:20 AM
    tsamba yan lang ang masasasbi ko haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  candidness

    04/30/2012 | 12:17 AM
    di pa nagsi sink in kasi ngaun lang nya narealize na once in a lifetime chance lang yan. i'm sure never iha hire ng star cinema yan pag nagkaron ng movie ulit ang star cinema at viva. sandali lang nakaramdam ng kasikatan nagfeeling naman agad. it's all about the money talaga. wag na pakyeme pa. kelan pa lumipat si sharon sa tv5? may show na ba? tagal di ba? asan na si maricel soriano? si lorna tolentino na napakaganda ng exposure sa primetime nung nasa abs pa. ano na nangyari sa kanya sa tv5? di sa nagiging talangka pero it's a fact na ang mga bankable celebrities na kalimitang kinukuhang endorsers ng mga product ay taga ABS. let's face it, may shows man kau sa 5, di naman laging napapanood ng madla and it shows sa mga ratings. sorry derek, binura mo na sarili mo sa kasikatan dahil dyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    04/30/2012 | 12:01 AM
    Sana lang wag na mag comment si Derek against ABS kasi wala naman silang sinasabi abt him pati na din sa pag alis nya gawa na lng sya ng ibang pwede pag usapan para sa mga shows nya sa TV5...mahirap din kasi dahil malay mo babalik ka din dun after your contract? ganyan talaga palipat lipat lng at i dont think napabayaan sya sa ABS lagi nga syang me show minsan sabay sabay pa nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    04/29/2012 | 11:16 PM
    bitter ang mga kinakalawang na lababo. HA HA HA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tvpetra

    04/29/2012 | 08:11 PM
    savor the moment dahil mukhang matatagalan or di na mauulit ang pagkakataon na yan. pasalamat ka na rin sa star cinema.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manster10

    04/29/2012 | 07:45 PM
    khit paano hindi bokya c Derek nakatikim nang Box office king wew kaya habaan na ang speech pag tanggap ng award heh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    04/29/2012 | 04:29 PM
    you will never DEREK! EVERYTHING STOPS when u moved to TV5! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    04/29/2012 | 04:23 PM
    thanks to star cinema.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purong_kapamilya

    04/29/2012 | 04:02 PM
    Damahin mo na next year si JLC na ulit.hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MandK

    04/29/2012 | 03:25 PM
    tama derek...ur articulate talaga..goodluck..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ClawClown

    04/29/2012 | 02:30 PM
    I-enjoy mo na, minsan lang iyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About