Richard Gutierrez is busy taping two shows, Pinoy Adventure and Makapiling Kang Muli. He says he dates but has no time for a love life: “Yes, I’m dating... kailangan natin yan. Pero right now, I just wanna stay private and at the same time, I’m really busy with my work.  Right now, yun talaga ang kumukuha ng lahat ng oras ko.”

Photo: Noel Orsal

Gaya nang dapat asahan, pinalakpakan at tinilian si Richard Gutierrez sa pagrampa niya nung biyernes ng gabi sa Atrium ng MOA para sa launching ng  ini-endorso niyang scent line sa Bench, ang Deo Cologne ng Gutz and Glory fragrance.

 
Isa lang itong pagpapatunay na nanatiling sikat at mabango pa rin sa mga tao ang aktor.
 
 
Nakangiti ngang nagsalita si Richard sa PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) na masaya siya sa naging outcome at reception ng mga tao sa kanyang pagrampa.
 
 
“Happy ako and excited sa mainit na pagtanggap sa akin ng tao and at the same time siyempre, medyo kabado dahil matagal-tagal rin akong hindi rumampa for Bench.  So, more than anything, I’m thankful and grateful for this whole event.”
 
 
Sa natatandaan ni Richard, ang huli niyang pagtuntong sa rampa ay nang i-launch ang watch design para sa accessories line ng Bench.  At ngayon nga ay ang deo cologne naman ang kanyang ini-endorso.  
 
 
Bagamat, inabot ng isang taon bago inilabas sa market ang kanyang deo cologne, hindi naman daw nakaramdam ng pagkainip si Richard.
 
 
“Everything was timing naman with Bench,” paliwanag niya. “They’re a big company.  Marami silang mga product na nilu-launch.  It’s just a matter of timing."
 
 
Present sa launching ang mga magulang ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang ate niyang si Ruffa Gutierrez at ang mga anak nitong sina Venice at Lorin.
 
 
Nandoon din ang kambal niyang si Raymond at ang isa pa niyang kapatid na si Elvis, pati na ang ibang talents ng Royal Era na sina Ehra Madrigal, Assunta de Rossi, at Crystal Moreno.
 
 
Napangiti si Richard sa tanong kung ano ang naramdaman niya at nakita niya sa audience ang mga taong nagmamahal sa kanya.
 
 
“Sobrang natuwa ako na nandiyan sila at sumuporta sila sa akin.  Hindi talaga sila nagkulang sa akin sa lahat ng events, sa lahat ng moments sa buhay ko na masasabi kong success... nandyan ang pamilya ko.”
 
 
SOLID FAMILY. Marami ang humahanga sa pagiging solid ng pamilya ni Richard sa anumang laban na hinaharap nila lalo na ang ina niyang consistent sa pagiging controversial.
 
 
Ipinaliwanag ni Richard kung bakit nanatiling buo ang pamilya nila. “Totoo yan, dahil kahit anong controversy naman, as long as you’re with your family, kahit problems yan, kayang i-solve basta matibay ang pamilya.
 
 
“So, ganun kami, alam namin kung ano ang totoo, nandiyan kami para sa isa’t-isa, mahal namin ang bawat isa.  Kahit anong adversity ang dumating sa pamilya namin, kaya naming lagpasan.”
 
 
Kapansin-pansin na hindi nagsalita masyado si Richard sa mga issue na kinasangkutan ng kanyang ina lalo na ang bago nitong giyera kay Ms. Amalia Fuentes.
 
 
Gentleman ang tingin ng marami sa hindi pagsawsaw ni Richard sa away ng kanyang ina sa ibang mga tao.
 
 
“Well, kinausap ko ang Mom ko about it and she told the whole family nga na when it comes to her battles, let her fight it raw and she’s gonna tell us when she needs help. 
 
 
"So, hinayaan lang namin si Mommy, plus of course, alam naman namin ang totoo.  Alam naman naming mabuti siyang tao.
 
 
“For us, alam naming kaya naman niyang ipaglaban ang katotohanan.  Kasi yung Mom ko, hindi marunong magsinungaling yun," aniya.
 
 
Aminado naman si Richard na nasasaktan din siya sa mga ibinibintang at ibinabato sa kanyang ina.
 
 
“Siyempre, nangyayari talaga yun na they’re trying to put my Mom down.  Siyempre, masakit yun para sa pamilya, pero alam namin ang totoo e. 
 
 
"Pero hindi kami masyadong apektado.  Pero kung kumu-cross ng lines, sometimes we have to do something about it,” aniya.
 
 
NEW SERIES. Tungkol sa pinakabagong serye sa GMA-7 na pagtatambalan nila ni Carla Abellana, sunud-sunod na raw ang pagti-taping niya dito.
 
 
Sabay ang taping niya para sa show na Pinoy Adventure.
 
 
“Eto, busy talaga.  So far, so good naman.  Sunud-sunod ang taping namin ng serye.
 
 
"Kagagaling ko lang ng Romblon para sa Pinoy Adventure.  It’s been a crazy month.  I’ve been travelling everywhere.  It’s good.”
 
 
Final na raw ang title ng kanyang serye at yun ay Makapiling Kang Muli.
 
 
Hindi ba siya mahihirapang pagsabayin ang taping ng serye at ang pag-libot niya para sa Pinoy Adventure?
 
 
“Mahirap talaga.  Ang ginagawa namin alternating weeks.  One week sa Pinoy Adventure.  One week sa Makapiling Kang Muli. 
 
 
"So, medyo nakakapagod.  Pero I enjoy the work, I enjoy travelling.  I enjoy doing soap opera.  Kahit nakakapagod, nai-enjoy ko pa rin ang trabaho,”  paliwanag niya.
 
 
DENIES HE WAS SPEEDING. Nalinis na ang pangalan ni Richard sa balitang lumabas na nag-over speeding daw ito sa North Luzon Expressway kamakailan lang.  
 
 
“E, wala naman talagang katotohanan yun e,” mabilis niyang reaksyon.
 
 
Nag-sorry na ba yung mga nagpalitaw ng pangalan niya sa insidente?
 
 
“Wala akong natanggap or nabasa na public apology from Inquirer.net  at sa radio nila. 
 
 
"Huwag na lang sila sa akin mag-apologize. Mag-apologize sila sa mga listeners nila, na nagtitiwala sa kanila.  Kasi listeners nila yun, tapos hindi tama yung mga sinasabi nila.
 
 
“So, sana lang ma-correct nila yun at mag-apologize sila sa mga taong napaniwala sila,” aniya.
 
 
Nagpaliwanag naman si Richard sa rason kung bakit hindi na niya pinagkaabalahang i-demanda ang mga Internet news portal.
 
 
“Nakakapagod, e.  Pagod na ako, e.  I took that route once in my life and I told myself I’m not gonna do it again.  Nakakapagod.

"At saka alam ko naman yung totoo at puwede ko namang ipagtanggol ang sarili ko in other ways.  So, why settle it in court, di ba? It’s just stress.”

 
Ang laki raw ng ipinagbago ni Richard.  Mas lalong lumawak ang pagpapakumbaba at pagpapasensya niya sa mga pinagdadanan niya sa buhay.
 
 
“Ahmm, siguro it comes with the experience,” aniya.
 
 
“Alam mo itong industriya natin, it will really humble you because marami kang pagdadaanan na pagsubok at makilala mo kung sino ka at makikilala mo kung sino ang mga nandiyan para sa iyo. 
 
 
"And I can tell myself now na kilala ko kung sino ako at kilala ko kung sino ang nandiyan para sa akin.”
 
 
COOL NA COOL. Napangiti si Richard sa obserbasyon na kahit mainit ang panahon, cool na cool pa rin siya.
 
 
“Ewan ko...tanong natin sa tatay ko," tugon niya at saka tumawa.
 
 
Baka naman dahil may nagpapatibok na ng kanyang puso?
 
 
“Sakto lang,” mabilis niyang sagot.
 
 
O di kaya'y dahil sa patuloy na pagdating ng mga blessing sa kanya?
 
 
“Oo nga dahil sa mga blessing... kita mo nandyan yung mga friends ko kahit late yung iba.”
 
 
Hindi nasagot ni Richard ang tanong kung bakit matagal nang nababakante ang kanyang puso.
 
 
“Ahmm. Mahirap sabihin yan pagdating sa stand ng puso di ba? So,  In love ako... in love ako sa  buhay ko,” nangingiti niyang sabi.
 
 
Hanggang pakikipag-date lang daw ang nagaganap sa personal na buhay ngayon ni Richard.
 
 
“Yes, I’m dating...kailangan natin yan.  Pero right now, I just wanna stay private and at the same time, I’m really busy with my work.  Right now, yun talaga ang kumukuha ng lahat ng oras ko.”
 
 
Sa Pinoy Adventures marami raw ginawa si Richard na hindi pa niya nagagawa.  Pero pagdating naman sa love life, hindi pa rin ba tapos ang adventures niya dito?
 
 
“Maraming adventure...marami pa.  I’m sure marami pang adventures na darating.”