news

Nova Villa returns to comedy with Marian Rivera, Barbie Forteza, and Roderick Paulate

by Ruel J. Mendoza posted on April 29, 2012  STATS: 6960 Views | 76 Comments

Nova Villa (in photo) on working with Marian Rivera on new comedy in GMA-7: “Yung tipo naman ni Marian, naihahambing ko siya sa tulad nila Nida Blanca at Maricel Soriano noong araw. Kahit na may strong personality siya, very sweet pa rin. Marunong makisama at mukhang ipagpagtatanggol ka kapag kinakailangan."

 
Photo By: Rowee Gutierrez

Sobrang tuwa nga ni Ms. Nova Villa dahil muli siyang babalik sa paggawa ng comedy pagkatapos ng isang taon na gumagawa ng drama sa telebisyon.

 
Kabilang si Tita Nova sa comedy series ng GMA-7 na Tweets For My Sweet na pinagbibidahan ni Marian Rivera.
 
 
Since lumipat sa Kapuso network si Tita Nova, nabigyan siya ng mga dramatic roles na never daw niyang ginawa noong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN 2.
 
 
Naging pabor nga ito kay Tita Nova dahil na-challenge daw siya sa mga mabibigat na eksena sa mga series na kanyang ginawa tulad ng Nita Negrita, Futbolilits, at My Beloved.
 
 
“Nasabi ko nga before, dito lang ako sa Kapuso network nakaranas na mag-drama. Ginawa akong dramatic actress dito at hindi ko inakala na magagawa ko,” sabi ni Tita Nova sa press launch ng Tweets For My Sweet, April 26, sa 17th floor ng GMA Network Building.
 
 
“Tulad na lang sa Nita Negrita, sinagad ang pag-iyak ko roon at natuwa ako because I was able to work with Barbie [Forteza] na napagaling na bata.
 
 
“Ngayon magkasama na ulit kami [sa bagong show]. This time, hindi na siya negra at nakikita ko na ang magandang mukha niya.
 
 
“Gano’n din sa Futbolilits. Kahit na may konting comedy iyon, pinag-drama pa rin ako.
 
 
“Sa My Beloved naman, drama pa rin at doon ko na nakasama si Dingdong Dantes at si Marian Rivera na siyang bida dito sa Tweets For My Sweet.”
 
 
WORKING WITH MARIAN. Ayon kay Tita Nova, maayos ang pakikipagtrabaho niya with Marian kaya nagtataka siya kunsaan nanggagaling ang mga pintas dito.
 
 
“Maganda ang naging experience ko working with Marian and so far, wala akong nakikitang hindi maganda sa batang ito.
 
 
“Nakatrabaho ko na kasi si Marian before sa pelikulang Desperadas. Isa siya sa mga anak ko roon. Pero hindi naman kami nagkasama nang matagal kasi parang special guest lang ako roon.
 
 
“Before nga, may mga nagsabi na sa akin na may ganitong ugali si Marian. Pero sa pakikipagtrabaho ko sa kanya sa dalawang show, wala akong nakikitang hindi ko dapat magustuhan.
 
 
“Napakagalang na bata at okey siya sa ibang mga kasama namin sa set. Kaya iniisip ko na lang na baka may mga naiinggit lang sa batang ito.
 
 
“Lahat naman tayong mga artista ay dumadaan sa ganyan. Kapag sikat ka, pinipintasan ka. Kumbaga sa punong hitik sa bunga, binabato ‘yan.
 
 
“Sa tagal ko sa showbiz, naranasan ko nang makasama ang iba’t ibang mga artista. May mga mayayabang, may mga tahimik lang, may mga maiingay, may mga misteryoso... lahat na yata nakatrabaho ko na.
 
 
“Very flexible naman ako. Kaya kong makipagtrabaho sa kahit na sinong artista. Trabaho lang tayo.
 
 
“Yung tipo naman ni Marian, naihahambing ko siya sa tulad nila Nida Blanca at Maricel Soriano noong araw.
 
 
“Kahit na may strong personality siya, very sweet pa rin. Marunong makisama at mukhang ipagpagtatanggol ka kapag kinakailangan.
 
 
“Kaya masaya ako na makatrabaho siya kasi mas gusto ko pa siyang makilala bilang siya at hindi yung artista na Marian Rivera,” diin ni Tita Nova.
 
 
WITH RODERICK, TOO. Natupad nga ang wish ni Tita Nova na makatrabaho rin niya ulit sa isang show si Roderick Paulate.
 
 
Sa pelikula lang daw niya nakatrabaho si Roderick pero hindi raw madalas. Sa TV ay sa That’s My Doc pa lang sila nagkasama kaya sobrang saya niya na pareho silang nasa cast ng Tweets For My Sweet.
 
 
“Isa nga sa mga nasabi ko noon na gusto kong makasama ulit si Dick sa isang comedy show, ‘di ba? Aba, nagkatotoo at dito sa GMA-7 pa nangyari.
 
 
“Kami ni Dick, kapag nagkikita kami, para kaming matagal na hindi nagkikita. Yung miss na miss n’yo ang isa’t isa.
 
 
“The last time na nakatrabaho si Dick ay sa movie na Oh My Girl. Tapos sa TV nga ay sa That’s My Doc with Aga Muhlach noong 2008 pa.
 
 
“Kaya noong story conference nitong show, nagulat kami sa isa’t isa kasi magkasama na kami ulit sa wakas.
 
 
“Excited nga ako na makabatuhan ng linya si Dick dahil magaling ‘yan, e.
 
 
“Enjoy ako sa mga komedyanteng magaling mag-ad lib. Isa si Dick sa magaling sa ganyan at nadadala ka niya.”
 
 
Proud nga si Tita Nova sa mga narating na Roderick mula sa pagiging artista at ngayon ay isa na itong konsehal ng Quezon City.
 
 
“What’s good about Dick ay naiba na niya ang takbo ng career niya.
 
 
“From being this comedian sa TV at pelikula hanggang sa pagiging politician niya.
 
 
“Hindi madaling gawin, pero dahil maraming nagmamahal kay Dick, ayan ay nahalal siya bilang konsehal.
 
 
“Dasal ko na pagbutihan pa niya ang mga ginagawa niya. Pero huwag niyang kalimutan na una siyang minahal ng marami bilang Roderick Paulate na nagpapatawa ng maraming tao,” pagtapos pa ni Nova Villa.
 
1  

more on this story

Show/Hide Comments

76 Comments

  • 76  bellestariray_hk

    05/01/2012 | 09:10 AM
    ang DAMI kasing NAAPEKTUHAN ANG CAREER ng dahil sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 75  bellestariray_hk

    05/01/2012 | 09:09 AM
    tama ka dyan, Ms. Nova. MARAMI talagang NAIINGGIT ke Marian!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 74  chances2010

    05/01/2012 | 08:01 AM
    to pearl102 whatever!!! wala kang pakialam...kahit na ano pang tawag sa mga programa, sitcome, comedy show o ano ano pa...basta ang importante papanoorin ko si nova villa at roderick kasi idol na idol ko silang dalawa...at tinitingnan ko ang sarili ko sa salamain at nakita kong mas maganda pa ako kay marian rivera...maganndang maganda ako inside and out...pero kung pangit ang pag-uugali ang kaharap ko na katulad ni pearl102, siguro'y magiging pangit na rin ako...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 73  chances2010

    05/01/2012 | 07:56 AM
    i love kuya roderick paulate and tita nova villa...parang naalala ko si ASON na patay na patay kay kevin kosme at si dixson ng oki doki doc na patay ba patay naman kay doc aga....hehehehe....im so excited to watch this show just for this two icons nova villa and roderick....MARIAN, be thankful for them them kasi hate na hate kita!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 72  pearl102

    04/30/2012 | 09:39 PM
    Wala kayo sa isang PANTARD ng DOS dito, COMEDY SITCOME daw. Wagas na wagas kung magsipanglait pero hindi tinitingnan ang sarili sa salamin bwahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 71  pearl102

    04/30/2012 | 09:36 PM
    68 iam_brainful 04/30/2012 | 04:26 PM Guys read... LUKE 23.34....Father, forgive them, for they do not know what they are doing. -----------------------------Kapal mo CHIPNESS. Dapat makulong ka kasi bumibili ka ng IPHONEY4S sa bangketa bwahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 70  coolet_06

    04/30/2012 | 07:41 PM
    iam_brainful 04/30/2012 | 04:26 PM Guys read... LUKE 23.34....Father, forgive them, for they do not know what they are doing. --------->>>> seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?? really?? ang salita ng Diyos ay hindi lang basta binabasa... isinasapuso at isinasagawa din dapat..... sabe nga nila.. act what you preach.... matutuwa sana ako coz you're spreading the word of God... but it contradicts with what you are doing.... so please, if you don't understand the words of God, can you please juts stop it to show some respect?? tama na ang bastusin mo ang ibang tao, pero please, paki usap lang... wag ang salita ng Diyos...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 69  Dennisse_01

    04/30/2012 | 05:10 PM
    i love comedy....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 68  iam_brainful

    04/30/2012 | 04:26 PM
    Guys read... LUKE 23.34....Father, forgive them, for they do not know what they are doing.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 67  coolet_06

    04/30/2012 | 02:48 PM
    iam_brainful 04/30/2012 | 11:11 AM Let him who is without sin cast the first stone.. ... JOHN 8.7 ----->>>>> naintindihan mo naman ba ito?? i doubt.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  coolet_06

    04/30/2012 | 02:45 PM
    iam_brainful 04/30/2012 | 11:43 AM Hello?!!! Im just a true person. Sinasabi ko lng po pawang katotohanan. Just like ur idol, MR, pranka kaso pinagka iba namen ng idol nyo, i speak Gods words. Un idol nyo, she speaks ..EWAN.... ayokong sabihin she speaks ...e v i l ness...baka magwala naman kau. Un lng pinagkaiba namen, ang words that comes out of our mouths. Oh yeah, of course magkaiba kami sa ugali,.. Honestly, hinde sa nagaalsa ako ng sariling chair, im mabaet, sobra. ----------------->>>> weeeee... d nga??..... if you really are speaking God's words is different from living with it... God's words are to be lived for and not just to be said... gets??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  Honey_1046

    04/30/2012 | 02:08 PM
    grabe si brainded dahil sa panlalait kay MR, sya tuloy naging katawatawa sa Chipness nya..haha..uy, wake-up! sa sama ng ugali mo nag-re-reflect sayo mga sinasabi mo. and please stop using verses from the Holy Bible para lng makapang-lait, makapang-insulto ng kapwa..do you know na malaking SIN pag ginamit mo sa kabulastugan ang Salita ng Dios??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  chikorita_pikachu

    04/30/2012 | 01:51 PM
    iam-brainful---- u'r such a disgrace!!! most people who always talk about God are usually shady, plastic and not true to themselves,, be real! kaw na nga yung malakas manlait kay Marian, don't ever use God's name in evil and useless thought! .. mahiya ka nga sa sarili mo! haha...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  certified_orig1

    04/30/2012 | 01:17 PM
    iam_brainful My comments do not lead to debate. If you speak for the words of God, you will not lambast others... Please arrange your thoughts parang sabog sabog hahaha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 62  alexangel

    04/30/2012 | 12:56 PM
    naku, wag nyo na patulan yang si braindead, dahil. . .braindead nga di ba? hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  bellestariray_hk

    04/30/2012 | 12:27 PM
    You speak God's word and Marian speaks evilness??? SIGURADO KA? Pakibasa ulit mga previous comments mo not only from this article about Marian and READ CAREFULLY Marian's interviews kung alin ang evil between your comments and her interviews.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  bellestariray_hk

    04/30/2012 | 12:17 PM
    no. 44...dapat, i apply mo muna sa sarili mo ang mga sinasabi mo. SUS!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  inblack

    04/30/2012 | 12:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  xenaako

    04/30/2012 | 12:08 PM
    Tama ka i am brainful.. sobrang sad ni God dahil sa pinag gagagawa mo. Ikaw kaya ang nag drag ng name nya dito, dba?...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  xenaako

    04/30/2012 | 12:06 PM
    How dare you speak the word of God and saying mabait ka kung makapang lait ka sa lahat article ni Marian eh akala mo kilalang kilala mo siya in real life? Mabait ka? totoo? Sa mga comments mo dito sa pep para kang freak na sobang hatred ang na fe-feel. Wag mong idamay ang Diyos dito at sa mga panglalait mo sa sa tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About