[x]

Annabelle Rama on Nadia Montenegro: "Puro kayabangan! Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo. Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day. Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan."

Photo: Noel Orsal

Isang linggo pagkatapos ng interview niya kay Nadia Montenegro, si Annabelle Rama naman ang nakausap ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, April 29.

Dito ay sinagot ni Annabelle ang mga naging pahayag ni Nadia tungkol sa kanilang alitan na humantong na sa pagsasampa nila ng reklamo laban sa isa't isa.

Sinimulan ni Boy ang tanong kay Annabelle sa unang tanong niya rin noon kay Nadia: Paano nagsimula ang kanilang hidwaan gayong masasabing malapit na magkaibigan sila?

Pero paglilinaw agad ni Annabelle, "Actually, Boy, hindi ko siya close. Nami-meet ko siya through her friends."

Si Nadia at ang anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez ba ang talagang magkaibigan?

"Siguro noong ano pa, That's Entertainment time pa. Hindi yung ngayon lang kasi naging busy na rin si Ruffa," sabi ng talent manager.

Ayon kay Annabelle, isang malapit na kaibigan niya ang tumira sa bahay ni Nadia at siyang dahilan kung bakit sila nagkalapit.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit madalas magpunta si Annabelle sa bahay ni Nadia.

"Kapag pumupunta ako sa bahay niya, yung kailangan ko ang hinahanap ko—yung bisita niya. 

"Siya [Nadia] ang humaharap sa akin. Siyempre siya ang may-ari ng bahay. 

"Habang tumatagal, nagiging close kami. "

MANAGING NADIA'S CHILDREN. Inilahad din ni Annabelle ang kanyang bersiyon kung paano napunta sa kanya ang pagma-manage sa mga anak ni Nadia na sina Ynna, Anykka, at Alyanna.

Ayon kay Annabelle, "Banggit siya nang banggit sa akin na 'Tulungan mo naman ang mga anak ko makapasok man lang sa showbiz.' 

"Hanggang sa naawa naman ako sa pamilya niya. Kasi, nakikita ko talaga sa dalawang mata ko, Boy, na hirap talaga sila sa pera.

"Sa madaling salita, na-convince niya ko.