[x]

Annabelle Rama on Nadia Montenegro: "Puro kayabangan! Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo. Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day. Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan."

Photo: Noel Orsal

"Yung sinasabi niya na ako nagmakaawa na hawakan ko ang mga anak niya, hindi talaga totoo, sa totoo lang."

Itinanggi rin niya ang pahayag ni Nadia na siya ang nangulit na i-manage ang mga anak nito. 

Sabi pa ni Annabelle, milagro raw na nakakuha siya ng kontrata para sa mga anak ni Nadia.

"Milagro talaga na nakakuha ako ng kontrata sa mga anak niya. Napakaganda talaga ng kontrata."

Sa bersiyon ni Nadia, sinabi nitong ang panganay niyang anak na si si Ynna Asistio ay mina-manage noon ng namayapang talent manager na si Douglas Quijano. Nag-co-manage daw sina Annabelle at Douglas kay Ynna.

Mariing pinabulaanan ni Annabelle ang bersiyon na yun ni Nadia.

"Lahat kasinungalingan!" bulalas niya.

"Buhay pa si Douglas, bago siya mamatay, nagkita kami sa Greenhills. Ang pinapakiusap sa akin ni Douglas, dalawa lang...

"'Tapos, sabi niya, kung gusto ko lang, 'Tulungan mo rin si Ynna dahil naghihirap ang parents niya.'

"Walang co-manage. Hanggang sa namatay na si Douglas, hindi ko tinatawagan si Nadia. Never!"

Pero hindi ba't mina-manage niya si Ynna?

"Ngayon lang," sagot ni Annabelle.

Ipinaliwanag din ni Annabelle kung bakit siya nagdesisyon na tulungan ang mga anak ni Nadia na sina Ynna, Anykka, at Alyanna.

"Kaya ko tinutulungan si Nadia kasi palagi siyang nangungutang sa akin.

"Sabi ko naman, kesa uutang nang uutang sa akin... Nag-away na kami niyan, e. Nag-away na kami for a while.