[x]

Annabelle Rama on Nadia Montenegro: "Puro kayabangan! Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo. Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day. Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan."

Photo: Noel Orsal

Sabi naman daw ni Annabelle kay Boy Asistio: 'Oo, pare, huwag kang mag-alala."

Pero tanggi ni Annabelle, "Hindi. Nakausap ko si Boy noong nakakontrata ang anak nila, nakakuha kami ng malaking advance. Advance ha, advance.

"Boy, kaharap ka ngayon ha, pinapanood mo ako.  Hindi mo ako kinakausap ng ganyan.

"Noong nakakuha ako ng advance sa mga anak mo, ikaw ang tumawag sa akin sa telepono, Boy.

"Ang sabi mo, 'Mare, maraming-maraming salamat.' Panay ang pasasalamat  n'yo sa akin ni Nadia, pero hindi mo ako kinakausap."

STUDIES OVER WORK. Sinabi rin daw ni Nadia na ang usapan nila ay priority ng mga bata ang pag-aaral at weekend lang magtatrabaho ang mga ito. Yun nga ba ang naging usapan nila?

"Hindi totoo 'yan. Nagte-taping ang mga bata, enjoy na enjoy siya.  

"After one year, sabi niya sa akin,  'Tita, hindi puwedeng hindi mag-aral ang mga anak ko. Kung puwede lang sana, kausapin mo muna ang production. Every weekend na lang siya mag-taping.'

"Sabi ko, 'Nadia, ang anak mo, hindi superstar. Ang soap talaga, M-W-F ang taping.'

"Totoo yung pinamimili ko siya: 'Mag-showbiz o mag-aral yung mga anak mo.'

"Hindi puwedeng weekend, Boy. Yung bida puwede; itong extra, hindi puwede.

"Sabi ko, 'Hindi ko kayang kausapin ang production. Mamili ka na lang,' sabi ko.

"Sabi ko, namili siya. So, stop na kami do'n."

Dugtong pa ni Annabelle, "Tumawag siya kay Jun Lalin [publicist of Royale Era], 'Jun, ibalik mo na ang mga anak ko. Tatanggapin ko na ulit ang show. '

"O siya, sige. Ito na naman... ''Bakit ganoon, umaga na umuwi?'