[x]

Annabelle Rama on Nadia Montenegro: "Puro kayabangan! Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo. Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day. Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan."

Photo: Noel Orsal

"Sabi ko, 'Nads, ang anak mo, minor,' sabi ko. 'Magbantay ka sa taping para alam mo.'

"Ang manager, magbibigay ng trabaho sa talent. Trabaho ng nanay 'yan [pagbabantay]."

Ano raw ang sabi ni Nadia sa bagay na yun?

"Sabi niya sa akin, kung ganoon lang daw, sabi niya, tanggalin na lang sa show. Huwag na lang yung si Ynna. Yung dalawa [Anykka and Alyanna]. 

"So, right there and then, tinawagan ko yung TV5. Ipu-pull out yung dalawang anak ni Nadia.

"Sabi niya, 'Bakit mo pinapatanggal agad, nagte-taping pa?'

"'E, ire-request mo sa akin mag-aral yung mga bata.' Sabi ko sa kanya, 'Madali akong kausap, e.'

"Kasi hinahamon niya ako. Akala niya, magmakaawa ako dahil sa income. 

"Hindi, sabi ko, tanggalin, tanggalin!"

WORKING SCHEDULE. Nagsimula raw ang problema dahil sa haba ng working schedule ng mga bata. Ayon pa kay Nadia, nagagalit daw si Annabelle at walang pakialam kapag sinasabi niyang ayusin naman ang schedule ng mga bata. 

Ang direct quote nga raw ni Nadia: "Kada magrereklamo ako, 'Tita, hindi na kaya ng mga bata. Hindi na kayang bumangon.' Ang sasabihin niya, 'Hay naku!' May mura pang kasama. 'Hindi sisikat 'yang mga anak mo!' Ganoon, Tito Boy, to the point na ayoko na siyang kausapin kasi puro mura."

Ayon naman kay Annabelle, "Boy, hindi totoo yun. Bakit ko naman siya mumurahin? Anong point?

"Unang-una, yung mga anak nga niya, hindi superstar.  

"Bakit ko naman siya mumurahin, e, wala namang offer pa?

"Yung dalawang anak niya, may dalawang assistant pa ang mga anak niya. Ako ang nagsu-suweldo.