[x]

Annabelle Rama on Nadia Montenegro: "Puro kayabangan! Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo. Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day. Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan."

Photo: Noel Orsal

"Ang kausap ko palagi, yung assistant nila. Direct to the staff ako, hindi sa artista ko."

Nasabi pa raw ni Nadia: "Tita Annabelle, nag-usap na po kami ni Boy. Baka pupuwede namang patigilan na lang natin ang mga bata, mag-aral na lang. Hindi raw puwede kasi package deal sila ng mga talents niya. Hindi raw puwede kasi, masisira raw ang pangalan nito."

Sabi naman ni Annabelle tungkol dito, "Sabi ko nga, mag-scriptwriter na lang siya. Ang galing gumawa ng kuwento. 

"Walang ganyan, Boy. Isang tawag lang niya sa akin, i-pull out ang mga anak niya, i-pull out."

ANNABELLE VS. NADIA. Sa naging panayam din ni Boy kay Nadia, sinabi ng dating aktres na hindi nila alam kung ano ang masakit—ang araw-araw na pagtira sa Twitter na 'baboy, kirat, patay-gutom, pinulot lang sa lupa...' kahit daw ito ay kasinungalingan.

Ayon naman kay Annabelle, "Alam mo, Boy, kung inamin niya sa 'yo na siya 'yon, walang magsasabi na, 'Nadia, kirat ka. Nadia, baboy ka. Nadia, patay-gutom ka...' Walang magsasabi ng ganoon."

E, yung walang luha siyang palalabasin sa mata?

Sagot naman ni Annabelle: "Mabuti wala kang luhang ipapatak. Kung galing sa puso mo ang sinasabi mo, papatak ang luha mo, 'Day. "

Sa interview pa rin ni Boy kay Nadia, sinabi raw nito na: "Patawarin na ako ng Diyos, pero kung hindi lang si ako, si ako at siya sa ibang laban, sabi ko, Tito Boy, matagal nang burado sa mundong ito ang taong ito, Tito Boy. Pero hindi gano'n, e, hindi gano'n. Gusto kong makitang naghihirap siya sa mga kasalanan niya."

Sagot naman dito ni Annabelle: "Puro kayabangan!

"Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo.

"Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day.

"Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. 

"At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan.  

"Wala ka nang power, 'Day. Tapos na ang power mo. Tapos na.