[x]

Annabelle Rama on Nadia Montenegro: "Puro kayabangan! Alam mo, Nadia, ikaw ang maghihirap ngayon sa mga kasalanang ginagawa mo. Kung buburahin mo ako sa mundong ito, unahin mo munang burahin ang may mga utang sa 'yo. Unahin mo yun, 'Day. Kasi hanggang ngayon, hinahabol-habol ka nila. Yun ang burahin mo. Huwag ako. At yung kayabangan mong buburahin mo ako, tama na 'yan."

Photo: Noel Orsal

"Thirty years ago pa yun. Wala na."

Sinabi rin daw ni Nadia nang tanungin ni Boy na kung may pagkakamali raw na nagawa ito kay Annabelle ay wala raw. Ang pagkakamali lang daw niya, nagtiwala siya sa maling tao.

Ayon naman kay Annabelle, "Ako ang walang ginawang pagkakamali sa kanya.

"Kung hindi pa ako nag-manage sa anak niya, bigla siyang pumapasok.

"Hindi, ipinaglalaban ko talaga. Hindi ko ibibigay sa kanya.

"Hindi sa pera, Boy. Ang sa akin lang, ayoko ng ginaganito ako. 

"Kung hindi niya ako dinaan sa harassment, kung hindi niya ako dinaan sa demandahan, baka ngayon, magkaibigan pa kami. Nasa kanya ang anak niya.

"Dinaan niya ako sa paganyan, ay, Bisaya ako!

"Ang Bisaya, huwag mong umpisahan. Hindi kita uurungan."

NO HOPE FOR RECONCILIATION. May pag-asa pa bang makukuha ito sa maayos na usapan?

"Wala na," sabi naman ni Annabelle.

"Siya naman ang nag-umpisa. Ako naman, nanahimik na.

"Araw-araw raw akong nagsisimba, araw-araw rin akong may inaaway. 

"Sino ba ang inaaway ko? Sira-ulo ba 'ko, Boy? Inaaway niya ako."

Sa huli ay hiningan ni Boy si Annabelle ng mensahe.