This Twitter post of Miriam Quiambao elicited negative reactions from different sectors of the society: “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth.”

Photo: Noel Orsal

Simula nang magdesisyon ang Miss Universe organizers na payagan nang sumali ang transgenders sa naturang beauty pageant kasama ng naturally-born women, samu’t saring mga komento na ang naglabasan mula sa iba’t ibang sektor.

Partikular na naging aktibo sa pagbibigay ng kanilang opinyon ukol dito ang LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders) at ang mga dating beauty contestants o titleholders.

Isa sa naging very vocal sa pagbibigay ng kanyang opinyon ay ang Miss Universe 1999 1st runner-up na si Miriam Quiambao.

Hindi pabor si Miriam sa desisyon na ito ng Miss Universe.

Ani Miriam sa kanyang Twitter account, “In my humble opinion, transgenders should not be allowed to join the MissU because it's only for REAL women."

(CLICK HERE to read related story.)

THE BOTTOM LINE. Pero hindi ang opinyon ni Miriam tungkol sa pagpayag na sumali ang transgenders—'tulad ni Jenna Talackova ng Canada—sa Miss Universe ang lumikha ng malaking ingay kundi ang ilan sa mga naging pahayag niya nang maging guest siya bilang “bottomliner” sa show ni Boy Abunda na Bottom Line noong Sabado, April 28.

Sa naturang episode, ang Ladlad Party List representative na si Bems Benedito ang naging panauhin ni Boy. 

Dito ay napag-usapan din ang tungkol sa transgenders, ang mga karapatan nila, at ang pagtanggap sa kanila.

Sa simula ay muling ipinahayag ni Miriam ang kanyang opinyon tungkol sa pagsali ng transgenders sa Miss Universe.

Aniya, “Being a representative of the country for the Miss Universe, I feel that Jenna Talackova, being a transgender, is just from a different category from the contest where I came from.

“I’m not saying that I’m better than he or he’s better than me.

“What I’m just saying is kumbaga sa boxing, merong lightweight, merong featherweight, merong heavyweight. 

“Gayundin ang Miss Universe at Mrs. Universe. Merong competition para sa may asawa, merong competition para sa single.

“Kung gusto ng mga transgender na sumali sa isang Universe competition, gumawa ng separate… ng Transgender Universe competition.”