This Twitter post of Miriam Quiambao elicited negative reactions from different sectors of the society: “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth.”

Photo: Noel Orsal

Tinanong ni Boy ang opinyon ni Miriam tungkol sa sinasabi ng iba, lalo na ang mga Kristiyano, na kasalanan ang maging bakla.

Sagot ni Miriam: “I’m not a pastor and definitely I’m not an expert. 

“However, the way I understand it is homosexuality is not the one that makes you a sinner.

“Actually, it’s sexual immorality that makes you a sinner.”

Nang magkaroon ng pagkakataon na tanungin ng bottomliners si Bems, dalawa sa tanong ni Miriam ang binasa ni Boy.

Una: What makes you think you’re a woman?

Sagot ni Bems, “Well, ‘eto ang dikta, Tito Boy, ng aking kaisipan. Gayundin ang aking nararamdaman.

“Mas kabisado ko siguro ang aking pagkatao kesa kay Ms. Quiambao. So sana ibigay niya yung karapatan na yun sa akin. At hindi para siya ang mag-decide para sa akin.”

Pangalawang tanong ni Miriam: Hindi pa ba sila satisfied na may mga transgender pageant na? Bakit gusto pa rin nilang sumali sa Miss Universe?

Sagot ni Bems, “Sa akin namang nakuhang pananaw rito sa ating hanay, at least sa mga transgender na Pinoy sa partidong Ladlad, satisfied na kami, Tito Boy, sa mga beauty pageant na meron kami. 

“It’s just that napag-uusapan ngayon yung ginawa ng Miss Universe organization at nagkomento kami na maganda itong ginawa. 

“And to update, pati itong Miss Singapore, tinatanggap na rin nila ang mga transgender candidates.”

"GOD NEVER MAKES MISTAKES." Nang magkaroon ng pagkakataon ang bottomliners na magbigay ng kanilang pahayag sa naging interview ni Boy kay Bems, dito ipinahayag ni Miriam ang obserbasyon niyang tila naging defensive si Bems sa una niyang katanungan.

Ayon kay Miriam, “Actually, I had the first question and I felt that he felt, he, she... felt defensive in my first question with what makes you think. 

“Actually, I wanted to ask, what makes you feel you’re a woman? Because I wanna understand where he’s coming from or the heart is coming from.