news

Annabelle Rama’s camp to request court to review dismissed theft complaint against Nadia Montenegro

by Nerisa Almo posted on April 30, 2012  STATS: 6197 Views | 8 Comments

Annabelle Rama and her lawyers are ready to face whatever charges Nadia Montenegro will file against the talent manager. According to one of Annabelle's legal counsel, Atty. Connie Jimenez-Aquino, "We cannot say na posible pa ‘yong settlement.”

Photo By: Noel Orsal

Naniniwala ang kampo ni Annabelle Rama na may sapat silang ebidensiyang susuporta sa theft charges na isinampa nila laban kay Nadia Montenegro.

Kaya naman maghahain sila ng Motion for Reconsideration para sa kasong ito na nauna nang na-dismiss kamakailan ng prosecutor ng San Juan City.

Ayon sa legal counsel ni Annabelle para sa kasong ito, si Atty. Connie Jimenez-Aquino, may “probable cause” ang talent manager na magsampa ng kasong theft laban sa anak ng kanyang tatlong talents na sina Ynna, Anykka, at Alyanna Asistio.

“We will ask the prosecutor to consider the evidence again kasi, in the first place, based on the affidavit exchanged by the parties, na-establish na may taking on the part of Ms. Montenegro.

"Klaro na ginawa niya ‘yong mga gamit ni Ms. Annabelle Rama,” sabi ni Atty. Jimenez nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kahapon, Abril 29.

Matatandaan na sa affidavit na isinumite ni Annabelle sa San Juan Prosecutor’s Office, sinabi niya na bukod sa hiniram na sofa set, kinuha rin umano ni Nadia ang 10 antique accent chairs, 65-inch Sony TV, designer frame set, accent table, three beds with headboard and mattresses, antique cabinet, at isang set ng BelKraft stainless steel pots and pans.

Subalit sa ekslusibong panayam ng PEP kay Nadia noong nakaraang linggo, inihayag niya na walang pagnanakaw na naganap.

Base sa kuwento ng dating aktres, si Annabelle diumano ang nag-alok sa kanya na kumuha ng mga gamit mula sa kanyang storage.

Sabi raw ni Annabelle kay Nadia, “Ang dami kong gamit sa storage, kailangan end of the month wala na akong gamit do’n dahil ang laki-laki ng binabayaran kong renta do’n. Magdala ka ng sarili mong truck.’”

(CLICK HERE to read related article.)

Isa sa mga dahilan ng pagkaka-dismiss ng kasong theft laban kay Nadia ay ang panahon ng paghahain nito.

Pahayag ni Atty. Aquino, “Sinasabi rin ng fiscal na dinismis nila kasi how come it took so long for Ms. Annabelle to file the case, bakit one year.

“But then, ‘yong nakaligtaan o baka hindi pa na-appreciate ng prosecutor is the fact that the crime of theft describes ‘yong 15 years.

“So, it doesn’t matter na one year after nilang na-file or two years after kasi it’s within the prescription period of 15 years.”

Dahil dito, hihilingin daw nila sa korte na muling tingnan ang kasong kanilang inihain laban kay Nadia.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • fecatada

    05/16/2012 | 07:11 AM
    Kasuhan niya wife niya kasi yon ang nagkalat sa media
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maria45

    05/01/2012 | 01:56 PM
    I'm just wondering, bakit hindi sinauli ni Nadia yung mga gamit?? Delicadeza na lang, na kung kakasuhan ka , di isasauli mo? Nakakahiya naman kung gamitin mo pa yun
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    05/01/2012 | 09:46 AM
    sinungaling talaga itong si nadia iba ang sinasabi sa TV at sa statement nya sa korte!!!hindi ba pwedeng gawing evidence yung mga interviews ni nadia noon na sinabi nito kung bakit truck ang dala nya????sa natatandaan ko iba ang sagot nya pati itong si ynna na anak nya nagsabi na binili nila sa antique store ang ibang mga gamit nila.kung ako ang abogado at judge lahat ipa-search ko yan at ng mabigyan ng tamang hatol!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SimonLaplace1

    05/01/2012 | 04:57 AM
    Go Team Annabel! God bless you Miss Rama!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    05/01/2012 | 01:41 AM
    Dapat siguro manahimik na lang kayong dalawa ni nadia bisaya hayaan na ang korte ang magdesisyon kung abutin man yan ng dekada eh d mag ubusan kayo ng pera sa kababayad sa abugado. Let see kung sino unang maghihirap sa inyo lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • umaga

    04/30/2012 | 11:27 PM
    si annabelle may movie, talent manager, at buong pamilya nagtatrabaho ..eh si nadia saan niya kukunin ang pambayad niy sa mga anakis niya? talent manager ba siya ni mark herras?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • endot

    04/30/2012 | 05:14 PM
    si nadia kaya saan kukuha ng pambayad sa abogado? Dapat ihabla si ynna ng psbank at paninirang puri sa bangko iyun! Hala ! lagot!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bulagafan

    04/30/2012 | 04:47 PM
    kung magtatagal ang mga kaso, marahil ay kailangan magtrabaho ng todo todo ang mga talents ni annabelle para masustenihan ang bayad sa mga abugado niya. pati siguro porsiento niya sa mga anak ni nadia ay doon na rin mapupunta. Suerte naman ng mga abugado.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About