news

Ciara Sotto says cousin Sharon Cuneta should take the initiative to settle rift with her mom Helen Gamboa

by Melba R. Llanera posted on April 30, 2012  STATS: 33251 Views | 31 Comments

Ciara Sotto on her role as peacemaker between mom Helen Gamboa and cousin Sharon Cuneta: “Sana nga maging peacemaker ako, pero siyempre in God’s time, maaayos din yun. Sana talaga maayos na, kasi nasasaktan ako para sa kanilang dalawa, lalung-lalo na para sa Mommy ko, pero wala tayong magagawa, e.”

Photo By: Noel Orsal

Naging emosyunal si Sharon Cuneta sa nakaraang presscon ng show niyang Sharon, May Kapatid Ka ng TV5 nang magbuhos siya ng saloobin tungkol sa  malalim na tampuhan nila ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa.

Hiniling din dito ng Megastar na sana ay matuldukan na ang samaan ng loob nilang mag-tiyahin, lalo’t tinuturing niya itong pangalawang ina na niya.

Ayon pa kay Sharon, sa pinsan niyang si Ciara Sotto pinapadaan ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa tiyahin.

(CLICK HERE to read related story.)

    

Sa panayam ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) at Cinema News kay Ciara kagabi, April 29, sa 43rd Box-Office Entertainment Awards Night ng Gulillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa RCBC Bldg., tinanong namin kay Ciara kung handa siyang maging mediator para maayos na ang problemang ito sa pagitan ng kanyang ina na si Helen Gamboa at sa pinsan niyang si Sharon Cuneta.

   

Ayon kay Ciara, “Sana nga maging peacemaker ako pero siyempre in God’s time, maaayos din yun.

   

“Sana talaga maayos na, kasi nasasaktan ako para sa kanilang dalawa, lalung-lalo na para sa mommy ko. Pero wala tayong magagawa, e. 

“Nangyari na, pero I’m sure talaga and I’m trying my best na magkaayos na sila.”

SHARON’S INITIATIVE. Para kay Ciara, dapat magmula ang pakikipag-ayos sa Megastar, lalo’t ito ang mas bata at dapat magpakumbaba.

  

“Sa kanilang dalawa, kailangan lang talaga nilang mag-usap. 

“Siguro kailangan niya [Sharon] talagang puntahan si Mama, siyempre matanda yun sa kanya, tita niya yun. 

“Ganun lang talaga, pero naiintindihan ko naman si Ate.

  

“Sa tingin ko, na kay Ate na siya [intiative to settle] kasi gaya ng sinabi ko, siya ang mas bata.

“Ako, nasasabi ko kay Ate yun.

“Pero sinasabi nga niya sa akin na kailangan lang nila ng right timing. In God’s time.

“Talaga namang umiiyak siya, si Mama umiiyak din, pero ayoko na lang talagang mag-comment."

  

MEDIATOR. Tiniyak din ni Ciara na kung anuman ang mga mensaheng ipinapadala ni Sharon ay nakakarating naman sa kanyang ina.

  

“Yes, of course, oo naman.

“Sinasabi ko kay Mama yung gusto niyang iparating, lahat ng sinasabi niya na gustong malaman ni Mama.

“Minsan emotional, alam ko na umiiyak si Ate at umiiyak din naman si Mama, pero ayoko munang masyadong mag-comment.

“Basta, sana maayos na ito talaga.

   

“Hindi siya [Helen] galit, medyo masama lang ang loob niya, hurt lang talaga siya. 

“Parang anak niya yun, e. Kumbaga, sa kanya, nahe-hurt siya na hindi siya binabati sa birthday niya, yung mga ganun.”

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

31 Comments

  • 31  liwayway

    05/01/2012 | 02:50 PM
    quite a coincidence na linked sina tito sotto and ilonah jean ngayon. according to her manager then, niligawan naman ni kiko si ilonah jean.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  milomilo123

    05/01/2012 | 01:28 PM
    ano kamo ? malinis ang pangalan ng pangililinan all over the world....magbanggit nga kayo ng isang bansa o barangay na kilala at malinis sila....si angeli cradle snatcher she robbed garys youth. si kiko hanggang nagyon tinatanggi pa rin nya na hindi siya ang ama ng ampon nila ni sharon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  dahlagi

    05/01/2012 | 01:04 PM
    Ano ba ang nagawa ni Kiko sa senado? Its a fact, if not for Sharon Kiko wouldn't be in senate. Di nga nanalo yan as QC councilor. Tanong nyo kung gaano kayabang si Kiko sa dati nilang worker sa Viva video rental.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  kardashians

    05/01/2012 | 11:00 AM
    It's a common knowledge among millions of Filipinos all over the world na manlinis ang pangalan ng ng mga Pangilinans -Sharon Kiko just like the Aquinos. But the big question is can we say the same thing sa sinusuporthan ng nagsasabing sobrang matayog daw si Sharon? I'll vote for Kiko anytime and I'm sure millions of other Pinoys feel the same way.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  Xray

    05/01/2012 | 09:41 AM
    Lahat ba ng kinukurakot ni Tito Sotto napupunta kay Ilona Jean??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  MandK

    05/01/2012 | 08:57 AM
    natawa lang talaga ako sa mga insecure kay KIKO..masasabi kulang dyn...wala kayon gpaki kung nanalo si Kiko dahil kay Sharon,parang vilma din nanalo si recto dahil kay vilma? Nanalo si nonoy dahil sa nanay niya? o nanalo si jinggoy dahil sa tatay niya at artista siya..mas gusto ko naman si KIKO kaysa mga artista na senador..my gosh bulok talaga ng system ng government.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  MandK

    05/01/2012 | 08:52 AM
    masasabi kulang sa issue na ito..walang binanggit si sharon na masama sa sottos..si helen ang nagpalaki..yon langdapat basahin ulit ni helen ang article sa sinabi ni sharon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  pmarc

    05/01/2012 | 07:45 AM
    Itong si Lola HG kasi, gusto niya buong buhay niyang sisingilin si Mega at grabe pang manginsulto. Kung talagang she treated Shawie like her own, hindi siya magsasabi ng mga ganun na so below the belt pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  pmarc

    05/01/2012 | 07:38 AM
    The big square faced pretentious fake aunt just proved to everyone how dirty politics really is especially when it comes to greed and ambition!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  BETCHA68

    05/01/2012 | 07:35 AM
    Lumaki kasing spoiled si Sharon kaya hindi nya alam ang salitang magpakumbaba. Madali lang namang ma resolve ang problema nila kung magusap sila face to face. kaso, mataaas nga ang ego niya kaya dinadaan na lang sa iyak in front of the press.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  milomilo123

    05/01/2012 | 07:22 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  Darlings

    05/01/2012 | 06:46 AM
    Akala kasi ng mga Sottos,arang EULAGAAN ang Senado!!! Nako Po. Nakakahiya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Darlings

    05/01/2012 | 06:45 AM
    Just because mas MATANDA si Helen, ay mapakumbaba na si Sharon?????? Seriousssly? Nabasa ko ang buong istorya ng gulong ito at wala namang sinabing masama si Sharon tapos ininsulto ng sobrang sobra ni Helen!!!! Hindi porket mas matanda ka ay tama ka palagi...NAKO PO, yung ibang Pinoy talaga bulok ang pagiisip dahil lang sa PULITIKA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  humandynamics

    05/01/2012 | 06:00 AM
    susme kung talino lang naman ang paguusapan ano naman ang habol ni tito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  liwayway

    05/01/2012 | 05:52 AM
    sharon says helen is also her mom, si tito sotto tatay niya. both helen and sharon are old enough to figure out kung tama ba that instead of voting for kiko, tito voted for enrile because enrile helped him win. if one of them still cannot understand, then this will likely happen again in the future. all this, over kiko, who carries the eyebrow-raising distinction of having his job, only because of his wife.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  wisdomtooth

    05/01/2012 | 04:04 AM
    Parehong may pride chicken sila pero parehas na nagamit ng salitang God. Kung Panginoon ang susunurin nyo malamang kahit tama ka o mali ka ikaw na ang nakatakot dahil ang gusto Nya at nagkakasundo pero dahil parehong may ego next time ang sagot nila sa tawag at utos ng Diyos. Kaya tantananan na ang paggamit sa Panginoon ng mga artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  wisdomtooth

    05/01/2012 | 04:02 AM
    Nakakatawang pakinggan na hanggang ngayon mapatama o mali ang mas nakakatanda ay dapat parating yuyuko ang nakakabata at ang nakakabata ang gagawa ng paraan at hihingi ng paumanhin kahit nasaktan ito ng mas nakakatanda. Sinasabi na blood is thicker than water pero sa nangyari malabnaw pala yung dugo kasi condensed milk yung isa. Pag pulitika at pera nagbabangayan at magkakaron ng alitan ang mga pamilya. Hindi na naman yan naiiba sa kalahatan. Kung sino na lang ang mas may mahabang pasensya at nakakaunawa siguro ang lumapit. Marahil lumapit kahit wag magapologise kung tingin mo wala kang kasalanan pero at least pinakita mo na ikaw ang mas nakakaintindi. Sino ba dapat ang gagawa nun ang matanda o ang mas bata? Ano ba ang turo? Ang bata gagalang sa nakakatanda pero ang nakakatanda dapat mas lawakan ang pang unawa sa nakakabata. Hindi ba't ito parati ang sinasabi sa atin pag may nag-aaway. Wag na gamitin ang Diyos dahil kung Sya lang ngayon din mismo isa sa kanila kakainin ang pride. Yan ang parehong matayog sa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  milomilo123

    05/01/2012 | 04:02 AM
    Kiko ex-future senate president.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  whereisamy

    05/01/2012 | 03:53 AM
    Sharon should make the first move to patch their indifferences, remember blood is thicker than water. Ang asawa napapalitan, ang kamag-anak baligtarin mo man ang mundo, magka maga-anak pa rin. However, no matter whose at fault here, Sharon should give her Tita Helen her respect since sinasabi naman niya at alam ng lahat kung gaano sila close sa isa't-isa. At eto namang si Sen.Pangilinan kung wala ding hangin sa ulo, sana siya din ay gumawa ng paraan para magkabati ang mag tita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  milomilo123

    05/01/2012 | 12:35 AM
    kiko or sotto....... sotto nalang ako walang ere.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About