Direk Wenn Deramas once said in an interview that he makes money out of his life’s experiences. It cannot be disputed that his recent movies are all money-makers. Most recently, his Praybeyt Benjamin earned P340 million pesos.

Photo: Allan Sancon

Noong Linggo, April 29, ipinagkaloob kay Wenn Deramas ang mga tropeyo bilang 2011 Most Popular Film Director and Most Popular Screenwriter sa 43rd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).

Ang mga parangal na ito ay para sa tagumpay ng pelikulang  Praybeyt Benjamin

     

Masayang-masayang tinanggap ni Direk Wenn ang mga karangalan lalo’t suki na siya ng GMMSFI dahil ilang beses na rin siyang nanalo rito.

  

“Pangatlo sa direktor, pangalawa bilang writer,” ayon sa kanyang bilang. 

“Masaya dahil paborito ko itong Guillermo [Awards], ito yung award giving-body na hindi puwedeng magkamali.

“May figures kasing pinag-uusapan, kapag tapos na ang taon, alam mong, ‘Uy, ako na yun!’

“Ine-expect mo, mayroon kang ilu-look forward. 

“Ako rin, lagi kong iniisip na sana laging kumita yung pelikula.

“Kasi may isang award-giving body na laging naghihintay sa iyo na magre-recognize nung lakas ng pelikula mo sa takilya.”

BOX-OFFICE HIT. Kung siya ang papipiliin, ano ang mas importante para sa kanya—award o box-office result ng isang pelikula?

  

Ayon kay Direk Wenn, “Sa totoo lang, yung kita kasi bilang mainstream director, iniisip ko kasi na kapag hindi na kumikita ang pelikula mo, walang kukuha sa iyo, e. 

“Sino ang may gusto na ang manonood ng pelikula mo ay surot? Siyempre, gusto mo tao.

“Yung maraming-maraming tao na makaka-appreciate kasi ginagawa ko naman ito para sa kanila, hindi naman para sa… alam mo na.”

Itinanghal din ng gabing iyon si Vice Ganda bilang Phenomenal Box-Office Star para sa pelikulang Praybeyt Benjamin.

Ayon kay Direk Wenn, hindi nila talaga inasahan na ganito kalaki ang kikitain ng pelikula.

  

“Masaya kasi ginawa naman namin ito, 10 million [pesos] lang ang hiningi naming increase sa Diyos mula sa Petrang Kabayo, 142 million ang kinita ng Petra, sabi ko, ‘Lord, kahit 150 million.’ 

“Kaya nakakagulat din kasi 340 million [pesos] ito!”

ALL’S WELL THAT ENDS WELL. Inamin ni Direk Wenn na sumama ang loob niya nang hindi matuloy ang pagko-co-produce ng Star Cinema sa Viva Films para sa pelikulang Moron 5 and The Crying Lady. 

“Wala, twice na kaming nagmi-meet ni Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], nag-meet na rin kami nila Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director].