Dingdong Dantes on his visit to Malaysia to promote Endless Love: “Sobrang layo sa ini-expect ko, e! Sobrang nakakatuwa, grabe yung init ng pagtanggap sa entourage natin dito. Talagang na-appreciate nila at gustung-gusto nila yung mga shows ng GMA—particularly yung Marimar, Stairway To Heaven, at yung currently na umeere na Endless Love. In fact, pagdating na pagdating ko sa hotel, iyon [Endless Love] yung palabas sa TV, naabutan ko pa yung isang episode.”

Photo: Courtesy of Perry Lansigan

“So, pagdating namin dito, talagang well-equipped sila, sa communication... ‘tsaka very updated.”

THE MALAYSIAN EXPERIENCE. Kumusta ang experience ng pagge-guest niya sa iba’t-ibang Malaysian TV shows?

“Wala din namang ipinagkaiba, para ding sa atin.

“May difference lang pagdating sa pagkakaintindihan dahil siyempre ‘pag nag-uusap sila, hindi mo na alam ang sinasabi nila, di ba?

“Ibig sabihin, may tatanungin sila sa ‘yo in English, di ba?

“Pero masaya, masaya kasi, halimbawa, ang unang pinag-guest-an ko, e, parang noontime talk show nila yung parang dating SiS natin.

“And then kinabukasan, nag-guest ako sa parang Unang Hirit nila, so basically it’s the same format, so pinromote ko yung mga activities ko for the coming days.”

MISSING MARIAN. Gaano niya na-miss si Marian? Silang dalawa sana ang pupunta doon sa Malaysia kaya lang ay may taping si Marian para sa bago nitong dramedy na Tweets For My Sweet.

Sina Marian at Dingdong ang magkapareha sa Endless Love at sa umeere ngayon sa Pilipinas na My Beloved sa Kapuso network.

“Grabe! Sobra dahil sobra yung pananabik ng mga tao na makita rin siya.

“Grabe yung pagmamahal nila sa characters ng mga shows na ginawa namin.

“In-explain ko naman na dahil busy siya sa paggawa ng bagong show.

"So, kumbaga, mas naging hopeful sila kesa sa nalungkot, na may bagong puwedeng abangan sa kanya, di ba?

“So iyon naman, okay naman. Maganda rin na natuloy pa rin ako kahit wala siya kasi at least mas maganda na meron kaysa wala dahil sobrang they’re looking forward to seeing us.”

PREGNANCY RUMOR. Tinanong naman si Dingdong sa isyu na diumano’y buntis si Marian.