news

BB Gandanghari hurt that Robin Padilla has not accepted her: "I try to understand but it still hurts, masakit."

by Melba R. Llanera posted on May 1, 2012  STATS: 22575 Views | 41 Comments

BB Gandanghari says she's willing to do an interview with ex-wife Carmina Villaroel and a movie project with 2011 Box Office King Derek Ramsay. "Anything for Derek," she says.

Photo By: Allan Sancon
Sa pagbabalik-bansa ni BB Gandanghari, inamin ni Robin Padilla na hindi sila in good terms. Bagamat sila'y magkapatid, hindi raw matanggap ni Robin ang pagkakaiba nila ng paniniwala at prinsipyo sa buhay.
 
 
Kinumpirma ito ng ina nilang si Mommy Eva Cariño Padilla. Inamin niya na kinausap siya ni BB at nagtapat ito na ang pakiramdam niya ay hindi siya tanggap ni Robin sa bago niyang katauhan.
 
 
Ayon din kay Mommy Eva, agad niyang kinausap si Robin at pinagsabihan tungkol dito kung saan naging consistent naman ang aktor sa naging sagot niya na tanggap niya bilang kapatid si BB pero magkaiba lang sila ng mga pinaniniwalaan sa buhay.
 
 
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay BB sa nakaraang 43rd Box Office Entertainment Award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, April 29, sa RCBC Building, inamin  nito na masakit para sa kanya na hindi siya matanggap ng kanyang kapatid.
 
 
“Siguro nga may problema, kasi sabi niya e.  Siyempre masakit yun na alam mong mayroong di nakaka-accept sa iyo di ba? I try to understand but it still hurts, masakit. 
 
 
“Siyempre  ang hope ko sana wala ng problema kasi wala naman talagang problema kung tutuusin," sabi ni BB.
  
 
Ayon kay BB, bukas siya makipag-usap kay Robin at ayusin kung anuman ang problema nila. Huling nagkita ang magkapatid nung umuwi siya ng bansa pero pagkatapos nuon ay di na ito nasundan pa.
 
 
“Oo naman, siyempre anything na magkaintindihan kaming dalawa, I’ll go for it.
 
 
“Not since I arrived—that’s the last time we saw each other."
 
 
 
PRETTIEST DAUGHTER. Tanggap na tanggap at suportado ni Mommy Eva ang bagong katauhan ni BB. Inamin nito sa mga panayam na mas close at mas maganda ang relasyon nilang mag-ina ngayon.
 
 
Ayon kay Mommy Eva, sa lahat daw ng mga anak niya, si BB ang pinakamaganda.
 
 
“With all due respect to my sisters, it just flattered me," sabi naman ni BB.
       
 
Tinanong din namin ito tungkol sa di mamatay-matay na balita na nagpa-sex change operation daw siya sa ibang bansa.
 
 
“No comment. I don’t want to comment on that.  Akin na lang,” aniya.
 
 
INTERVIEWS. Unang nag-guest si BB sa Paparazzi kung saan ang nag-interview sa kanya ay ang kanyang sister-in-law na si Mariel Rodriguez. 
 
 
Pinaklaro namin kay BB ang lumabas na mga balita na dapat daw ay Zoren Legaspi ang magi-interview sa kanya pero tinanggihan niya raw ito.
 
 
“Wala akong inaayawan, it’s just na ang commitment ko talaga, kay Mariel ang interview ko. Wala akong problema kay Zoren, wala akong problema sa kahit na kanino. 
 
 
"Yun lang nung time na yun ang commitment ko ay kay Mariel.”
 
 
Tinanong din namin siya kung payag ba siya na ma-interview ng dating asawa na si Carmina Villaroel na host naman ng Showbiz Inside Stories.
 
 
“Kung maayos yung usapan, I don’t see any problem with it.  Sa akin bakit hindi, di ba?
 
 
Nagbigay pahayag din si Derek Ramsay na open siyang makatrabaho si BB at kung kinakailangan nga ng kissing scene ay di siya tatanggi basta’t kinakailangan. 
 
 
Excited din naman si BB na makatrabaho ang 2011 Box Office King.
 
 
“He’s the Box Office King, [so] why not? Anything for Derek.”
1  

more on this story

Show/Hide Comments

41 Comments

  • 41  sasha19

    05/29/2012 | 04:47 AM
    I don't have anything against gays. Tao sila na katulad natin. But this BB, nakakairita lang. He's so into himself. The more na pinagtatawanan lang siya ng tao sa pinag gagawa niya sa sarili nia. If he could have just stayed the way he is, I mean physically..baka mas nirespeto pa sia for what he is. People are mocking him, dahil kahit na ano pa gawin nia to transform physically, mukha pa rin siyang lalake. Ang tigas pa rin ng dating nia. He's becoming more pathetic. Well, its his life anyway, he can do just about anything that pleases him as long as wala naman siyang sinasagasaang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  septembersapphire

    05/28/2012 | 11:16 PM
    Give ur family more time... Di mo sila masisi kc di ka lang biglang nag OUT kung di buong anyo mo nag change, pananamit, make up etc... Natural lang magulat o ma confuse din feelings ng family mo.. But buti na tin u are open minded to understand what u put them through
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  alexangel

    05/03/2012 | 03:13 PM
    masagwa naman talaga na kung kelan tumanda saka nagladlad. ok lang sana kung nagladlad lang, nagpaka-babae pa! dami pang gimmick! so i understand robin's sentiments.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  FlyNDance

    05/02/2012 | 02:27 PM
    baka nagpa sex change na sya kaya hindi matanggap ni robin. kasi dati nung nagladlad siya, parang natanggap naman ni robin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  fanatix

    05/02/2012 | 02:07 PM
    sa totoo lang itong c rustom nag papakatotoo lang sya at least lumadlad sya di tulad ng ibang lalaking artista dyan na hanggang ngayon nag papaka plastik parin maski marami ng mga balita eh di parin umaamin. asus, lumadlad na kayo, papa p, eric santos, christian bautista, john prats mag pakatotoo na kayo. bat nyo itatago kung ano talaga kayo? gayahin nyo c rustom nag pakatotoo. robin taggapin mo ng maluwag c bb gandang hari. di ka ba proud nag pakatotoo lang kapatid mo. kung sana masaya kapatid mo suportahan mo nalang at least wala syang tinatapakan at mabait naman c rustom
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  goodkarma4ever

    05/02/2012 | 01:19 PM
    cmontryme Don't forget about the colonization of Spaniards and Filipinos were called Indios whom were brought to different parts of the world same as African-Americans as slaves. I would agree that everyone wants acceptance. If you love yourself and you are not doing anything immoral, then why bother with other people's opinion of you. Judge not and you won't be judge.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  ohmychika

    05/02/2012 | 12:36 PM
    i love the femininity! go BB girl! we live our life according to one's choice... it's BB's choice, so be it.. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  CmonTryMe

    05/02/2012 | 11:28 AM
    I get what you mean fujiko77. But if we followed that line of thinking, African-American people would still be working as slaves in the first world. And you cannot say, its not the same thing. PREJUDICE is prejudice in whatever shape, form , or manner it comes in. How convenient would it be to just "get on with their lives" as you put it? It is easier said than done siguro kasi di naten nararamdaman ang kalagayan niya to have your own brother not accept you. Every person on earth is not here to just "get on with their lives". We are all looking for VALIDATION and ACCEPTANCE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  fujiko77

    05/02/2012 | 11:03 AM
    at si BB mukhang Rustom na Rustom pa rin! susko noh! lalaking lalaking lalaki kaya na binihisan ng pambabae lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  fujiko77

    05/02/2012 | 11:02 AM
    anu ba mga problema ng mga ito?? eh kung di kayo tanggap, wala kayong magagawa, di nyo naman pwedeng isubo at ipilit ipakain ang pagkain na ayaw ng tao... gusto nyo ng respeto, then respect nyo rin ang nararamdaman ng ibang tao towards you.. ganun lang yun. ang mahirap kasi sa ibang third sex o yung mga transgenders palagi silang kumakalampag na tanggapin sila, ang tanong, magugutom ba sila kapag di sila tinanggap? mamamatay ba sila? for as long as di naman sila kinukutya at binabato para mamatay just move on with your lives!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  ClawClown

    05/02/2012 | 09:53 AM
    29 shidax Oo nga bigla ko naalala yung panahon na inaway nina Robin at Royette ang Yllana brothers dahil nagbiro ata si Anjy tungkol sa kaba ding an ni Rustom, na di pa ladlad noon. Mistulang pinagbabaril pa ang bahay ng mga Yllana noon at suspetsa ang H World ni Royette. Yun pala, may tama ang biro ni Anjo. Tapos ngayon, pa-hurt-hurt pa itong si BB. Naku, BB, ikaw nga ilang taon bago mo natanggap ang sinasabi mong totoong sarili mo, ginamit mo pa si Carmina, tapos ngayon feel mo dapat tanggapin ka agad-agad?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  lostris

    05/02/2012 | 09:41 AM
    kung saan ka masaya.... don't mind robin. intindihin mo sarili mo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  shidax

    05/02/2012 | 07:37 AM
    intindihin mo nalang sana si bino ms.BB na hindi madali ang pinili mong magladlad.may sariling paniniwala si bino kaya ikaw nalang ang umintindi.isipin mo nalang hindi lang ikaw ang nahihirapan si bino rin nahihirapan dahil ipinaglaban ka niya noon na hindi ka jukla dahil sinigawan ka ng kapwa nyo artista na jukla ka...goodluck nalang sa iyo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  astalavista

    05/02/2012 | 07:29 AM
    ikaw naman BB action star ka dati machong macho tapos ngaun gusto mo maging lading lady xempre cno naman ang matutuwa nyan..ok lang na maging bakla pero ung dicente namang tignan ung katulad ni Piolo... o diva??????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  pinoycali_ako

    05/02/2012 | 07:00 AM
    Wow nagkaisa na naman ang mga pepsters!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  pinoycali_ako

    05/02/2012 | 06:57 AM
    Oh shush Baka gusto mo rin mag Ms. Universe? And then make an issue as well Kung Hindi ka tatanggapin sa pageant! Pwd ba rustom tumahimik ka na lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  lolamo68

    05/02/2012 | 06:45 AM
    Sorry, I prefer the male Rostum dahil guapo sha si BB ay mukhang Becki.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  brainfultoo

    05/02/2012 | 01:48 AM
    k a d i r i!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  ClawClown

    05/02/2012 | 01:27 AM
    BB, utang na loob, huwag ka nang mag-inarte diyan. Tama si Robin, tanggap ka niya bilang kapatid pero hindi bilang ang iyong bagong katauhan. Kanya-kanya talagang kagustuhan at paniniwala. At sa paniniwala ni Robin, hindi ka katanggap-tanggap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  aidangel0011

    05/02/2012 | 12:13 AM
    There is a difference between a homosexual and a transgender. Ang homo is the beki, ang transgender, it's a state of mind na feeling talaga nila ay OPPOSITE SEX sila. Typical homo: Ellen Degeneres as a lesbian. Typical transgender: Chaz Bono na anak ni Cher na nagpa-hormone treatments to look like a man. Ibang-iba po ang dalawang category. I won't classify BB as a mere "beki", it's an altogether different level.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About