news

Wynwyn Marquez nervous performing in front of her mom, Alma Moreno: "Lalo na ‘yong birthday prod ko. Na talagang sumisigaw pa siya ng… 'Go anak, project!'"

by Ruben Marasigan posted on May 1, 2012  STATS: 13481 Views | 13 Comments

Wynwyn Marquez (in photo) turns 20 on May 4. Her mom, Alma Moreno is very proud of her promising showbiz career. Wynwyn is also a Marketing Management graduate of San Beda College-Alabang.

Photo By: Noel Orsal


Sa May 4 pa ang birthday ni Wynwyn Marquez.  Pero noong Linggo, April 29, isang advance celebration ang ginanap sa Party Pilipinas kung saan bukod sa kanyang inang si Parañaque Councilor Alma Moreno ay naroon din para bumati sa kanya ang Kuya niyang si Yeoj at dalawa pang kapatid na sina BJ at MM.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang birthday wish niya… “Sana po more projects, tapos good health sa Mom ko at sa family ko.  ‘Yon lang po.”

Nagkaroon ng isang bonggang dance number si Wynwyn kasama ang iba pang Kapuso female stars sa isa pang solo production number.  Na-tense daw siya dahil nando’n at nanonood nga ang Mommy niya na dati ay talagang pinag-uusapan lagi ang mga ginagawang production numbers sa sarili nitong musical variety show noon.

“E kasi… ang ingay-ingay niya [Alma]!” sabay tawa ni Wynwyn.

“Opening pa lang, ang ingay-ingay niya!  Ha-ha-ha!

“’Yong mga kasama ko, sina Diva [Montelaba], sabi ko… ano nga ba ‘yong first step?  Kasi sabi ko, ang ingay ng nanay ko!  Ano ba ‘yan?

“Hindi ako makasayaw nang maayos!  Ha-ha-ha!

“Lalo na ‘yong birthday prod ko.  Na talagang sumisigaw pa siya ng… 'Go anak, project!'

“Sabi ko naman…'Mom, tama na!'  Ha-ha-ha!

Wynwyn is turning 20. At very proud daw ang Mommy niyang si Alma dahil bukod sa magandang takbo ng kanyang showbiz career ay kaga-graduate din lang niya ng kursong Marketing Management sa San Beda College-Alabang.

Walang anumang nababalita kay Wynwyn kung tungkol sa love life ang pag-uusapan.  Hindi naman niya itinangging may mga nanliligaw sa kanya ngayon.

“Marami!” sabay tawa niya.
 

May artista bang pumuporma sa kanya?

“Wala po.  Puro non-showbiz.
 

“Pero… sa career ko po muna gustong mag-focus.  At happy naman po ako na hindi ako nawawalan ng trabaho.”

Naging mayor ng Parañaque ang kanyang amang si Joey.   Ang Mommy naman niya ay councilor ngayon sa nasabing siyudad.  Hindi kaya balang araw ay pasukin din niya ang politics?

“Ano po, e… ibang mundo na po ‘yon, e.  Pero siyempre, hindi rin po ako magsasalita nang patapos.  Kasi hindi ko naman po alam kung ano ang mangyayari in the near future.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  skittlesrainbow

    05/02/2012 | 11:58 AM
    mukha syang trenta anyos at hindi bente. tanggalan mo ng make-up at siguradong mas maganda pa ako dyan noh'!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  ClawClown

    05/02/2012 | 10:34 AM
    Average looks, kaya lang syempre anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  alexangel

    05/02/2012 | 09:51 AM
    napaka-graceful nya sumayaw! manang-mana sa nanay! congrats at graduate ka na pala!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  agusanonko

    05/02/2012 | 09:33 AM
    natural lang yon sa nanay..d nga cya kagandahan tulad n alma noon..pero nakatapos cya..kaya proud mama tlga c ness
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rhapsody123

    05/02/2012 | 03:56 AM
    Hindi siya kamukha ni Alma. Napakaganda ni Alma noon, average lang ang mukha ni Wyn wyn. Nagmana siya sa ama , na matangkad pero hindi maganda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • brainfultoo

    05/02/2012 | 01:43 AM
    wow, ang ganda ganda nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelastpepbender

    05/02/2012 | 01:16 AM
    yuck kailan pa sya naging maganda??? hello??? so TH! ang daming maganda jan yun ang eh priority nyo GMA 7 like SOLENN HEUSAFF and SAM PINTO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/01/2012 | 11:54 PM
    Pilit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    05/01/2012 | 10:24 PM
    maganda ang genes may mga pinagmanahan talaga. ganito ang dapat nag aartista may K hahaha goodluck sa career iha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ike

    05/01/2012 | 07:41 PM
    Smart girl. Go, Wynwyn!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Lieutenantcaine

    05/01/2012 | 06:32 PM
    Ang ganda mo iha, good luck sa career mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babydrew

    05/01/2012 | 06:26 PM
    like ko ang batang ito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    05/01/2012 | 06:17 PM
    maganda sya in fairness
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About