Alma Moreno, Parañaque Councilor and president of the Philippine Councilor’s League, reveals her dream: She wants her kids to finish college. “Si Yeoj [her eldest with Joey Marquez], graduate na rin siya.  Si BJ [third child with Joey], graduate na ng high school.  Si MM [youngest] graduate na ng elementary."

Photo: Noel Orsal

Halos magmukhang stage mother na si Alma Moreno para sa anak niyang si Wynwyn Marquez na nagkaroon ng birthday celebration sa Party Pilipinas noong Linggo, April 29.  

Panay ang sigaw niya habang pinapanood ang anak na nagpi-perform ng dance number nito. 

“Actually, excited ako,” nakangiting sabi ng Konsehala ng Parañaque nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Proud mom ako dahil si Wynwyn [tinupad] niya ‘yong promise niya na bago siya mag-concentrate sa showbiz, tatapusin niya ang pag-aaral niya.


“E, tapos na siya ng college ngayon.  Kaya talagang… congratulations sa kanya.  And happy, happy birthday!

“Kaya naman ‘yong time ko, ibinigay ko talaga sa kanya ngayon," sabi ni Alma.

Pinagpaliban ni Alma ang mga commitments niya bilang presidente ng Philippine Councilor’s League.

“And thank you sa GMA-7 sa support kay Wynwyn.  Sana patuloy nilang alagaan ang anak ko.”

Pangarap daw talaga niya na lahat ng anak niya ay makatapos ng pag-aaral.

“Si Yeoj [panganay nila ni Joey], graduate na rin siya.  Si BJ [pangatlo nila ni Joey], graduate na ng high school.  Si MM [ang bunso] graduate na ng elementary.


“So ibig kong sabihin… sunod-sunod sila.

“Si Yeoj, business na ang pinagkakaabalahan ngayon.

“Kaya wala na akong mahihingi kundi ‘yong dream ni Wynwyn, na matupad niya lahat. 

BE STRONG. "Ang paalala ko lang sa kanya, maging matibay siya pagpasok sa showbiz. Dahil sa dami ng intriga, talagang… iyon ‘yun.

“Ang nakakatuwa kay Wynwyn kapag meron siyang kita, manlilibre siya sa mga kapatid niya. 

"Pero ang advice ko sa kanya hangga’t maaari, ipunin niya kung ano ‘yong kinikita niya.

“Suwerte nga ‘ika ko, dahil ‘yong dinadanas niya, bata pa lang natupad na lahat ‘yon.  At wala siyang sinusuportahan kundi sarili niya.  So… go lang nang go.”