G Tongi on staying in the Philippines for good with her family: “I am and I’m with my family. Me and my husband are doing very well. Marami kasi ang nagtatanong kung kumusta na kami. May isyu kasi na hiwalay na daw kami. But no. Yung husband ko talaga, he’s the one who really decided na it’s time to go home."

Photo: Melo Balingit

Kung mayroon man daw ginagawang pagmamaldita ngayon si G Tongi, ito ay ang pagganap niya bilang kontrabida sa Aryana, na mapapanood na simula sa May 7 sa ABS-CBN Primetime Bida.

“Ako rito si Stella Cervantes, ang pangalawang asawa ni Victor Mendez [Tonton Gutierrez] at magiging kaagaw ni Pokwang as Ofelia.

“So, kontrabida yung role ko. And it’s my first time na gumanap na kontrabida.”

Anong klaseng kontrabida naman siya?

“Kontrabidang matapobre. Ang pangit, ‘no?

"Pero meron namang valid reason kung bakit ako nagtataray kay Pokwang. Kasi gusto ko lang naman maging legal wife ni Tonton.”

Paano siya napapayag na gumanap ng kontrabida?

“Kaya rin naman ako pumayag sa role because, you know, bilang artista, meron ka ring responsibilidad sa public para ipakita sa kanila yung mga karakter na makaka-relate sila.

“And that’s why this role is so pivotal in my career because it’s the first time I’m doing a kontrabida.

“Palagi naman kasing goody-goody yung roles ko. And to make that switch is exciting kasi it shows maturity on the part of an actor.

“I feel na mas masaya, mas challenging, mas puwedeng paglaruan. Hindi ka lang yung kawawa, iiyak.

“’Pag kontrabida ka at meron talagang pinanggagalingan yung hapdi, mas makaka-relate yung audience, di ba?”

Kumusta namang katrabaho ang cast ng Aryana?

“Masaya," sambit ni G.

"This is the frst time na katrabaho ko si Ella. This is the first time na katrabaho ko si Pokie [Pokwang], si Ton [Tonton Gutierrez], katrabaho ko sina Direk [Erick Salud at Lino Cayetano].