John " Sweet" Lapus on Miriam Quiambao: “Nakalimutan yata ni Miriam na gay icon sya. Malaki ang paghanga ng mga bakla sa kanya. So for her to say na ‘lie kami from the devil,’ e, nakaka-disappoint."

Photo: Allan Sancon

“Mentor ako no’ng character ni Chard hanggang sa magkaroon kami ng something. Exciting!”

MIRIAM AND HOMOSEXUALITY. Hindi na rin pinalampas ng PEP ang pagkakataon upang tanungin si Sweet ng kanyang opinyon tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Miriam Quiambao.

Nagalit kasi ang ilang miyembro ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals Transgenders) sa naging pahayag ni Miriam tungkol sa homosexuality: “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil.”

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ano ang masasabi ni Sweet tungkol dito?

Aniya, “Na-disappoint ako kay Miriam, at the same time, nalungkot.

“Nakalimutan yata ni Miriam na gay icon sya. Malaki ang paghanga ng mga bakla sa kanya.

“So for her to say na ‘lie kami from the devil,’ e, nakaka-disappoint.

“Nalungkot naman ako when I found out from our common friends na medyo hardcore na daw na Born-Again si Miriam… wala namang masama do’n, okay lang ‘yon, as long as wala kang dyina-judge na tao.”

Pero humingi na ng paumanhin si Miriam sa mga na-offend sa kanyang nasabi sa Twitter. Sa susunod daw ay mas magiging sensitive na siya.

May mga tumanggap ng kanyang apology, pero meron din namang naninindigan sa pagkadisgusto nila sa kanyang naunang pahayag.

Ano naman ang reaksiyon dito ni Sweet?

“I accept her apology, pero isa lang ako. Hindi ako ang buong LGBT community.

“At I think, nag-apologize lang siya for the words that she used.

“So it means gano’n pa rin ang pananaw niya sa aming mga bakla.”