news

Derek Ramsay admits relationship problem with Angelica Panganiban

by Nerisa Almo posted on May 2, 2012  STATS: 176377 Views | 88 Comments

Derek Ramsay keeps mum on rumor that he and Angelica Panganiban are headed for splitsville. He tells PEP, “You know naman me, I will talk naman. But for now, let me have this time naman muna to enjoy.”

Photo By: Noel Orsal

Kasabay ng mga pagbati dahil sa nakamit na Box-Office King award, sinalubong din ang aktor na si Derek Ramsay ng mga katanungan tungkol sa balitang hiwalay na raw sila ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Napansin kasi ng ilang media na tila hindi nabanggit ni Derek ang pangalan ng kanyang kasintahan nang magpasalamat siya sa entablado sa ginanap na 43rd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) noong Linggo, Abril 29.

Subalit sa panayam ng media pagkatapos ng programa, ipinaliwanag ng bagong Kapatid star, “I didn’t name names. I didn’t even name my sisters.

"But when I say family, Angel is part of our family.”

Bilang kasagutan na rin sa tanong tungkol sa usap-usapang hiwalay na sila, inamin ni Derek na, “Angel and I are working things out. We’re talking. May pinagdadaanan kami.”

Gayunman, naniniwala si Derek na maaayos din nilang magkasintahan ang problemang kanilang hinaharap sa kasalukuyan.

Sabi pa ng actor-TV host, “Pinagdaanan na rin namin ito before. So we’ll see. ‘Pag nag-usap na kami, doon kami magsasalita.”

"GIVE ME SOME TIME." Samantala, mas lumakas naman ang usap-usapang nagkakalabuan sina Derek at Angelica nang lumabas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star na nagkakamabutihan daw ngayon ang aktres at kapwa Star Magic star nito na si John Lloyd Cruz.

Naisulat ng Startalk host sa kanyang kolumn na maaaring nagsimula raw ito nang mag-shoot sina John Lloyd at Angelica ng mga eksena sa Vietnam para sa susunod nilang teleserye.

Kaugnay nito, sabi rin ng source ng entertainment columnist na may gusot din ngayon ang relasyon nina John Lloyd at Shaina Magdayao.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag ang aktor na si Derek tungkol sa isyung ito sa pamamagitan ng telepono kaninang tanghali, May 2.

Kasalukuyang nasa Boracay ang aktor para sa isang Frisbee competition.

Nakiusap ang aktor na hayaan na muna siyang i-enjoy ang parangal na nakuha niya kamakailan.

Naglabas din siya ng sentimiyento sa entertainment media na sa halip na tanungin siya tungkol sa nakuhang award, sinalubong pa siya ng mga intriga pagkatapos ng programa.

Sa huli, sabi ni Derek, “You know naman me, I will talk naman. But for now, let me have this time naman muna to enjoy.”

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

88 Comments

  • 88  xelamikila

    05/08/2012 | 04:15 PM
    Gimmick!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  rose_petals

    05/07/2012 | 06:47 PM
    derek was here at stock exchange this morning... when asked about angelica, he said they're still friends...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  mighty_thor

    05/07/2012 | 09:07 AM
    Hindi ba kasal parin si Derek? hindi pa na-anull, right? Dapat wala syang girlfriend.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  Chuserangfrog73

    05/04/2012 | 05:48 PM
    GIMIKKKKKKK lang yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  showbizdak

    05/04/2012 | 05:32 PM
    dapat realistic si angelica na malamang hindi sila magkatuluyan ni derek. tantya ko liberal talaga ang attitude ni derek towards relationships lalo na nag-asawa na sya minsan. so enjoy lang sya, roving, at good time ganun while it lasts, alang commitment. ang tagal na, wala man lang engagement so where does that lead.. to hiwalayan blues. kaya sa mga ganito, kakaawa talaga mga girls like angelica who fool themselves that they're in control lalo pa characterized as conservative pa rin attitude ng guys sa pinas na pag-ganitong over lantaran, wala ng seseryoso. sa overpopulation pa naman sa pinas, daming girls pagpipilian na fresh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  bus_stop

    05/04/2012 | 04:05 PM
    TVviewer...siguro tama ka nga! kung tutuusin mas maraming sakit ang napapala ni Angel sa pakikipagrelasyon nya kay Derec...si Angel kasi sa totoo lang handa na syang magpakasal kaso si Derec sad to say puro laro pa ang nasa isip...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  TVviewer

    05/04/2012 | 01:56 PM
    i think kung maghihiwalay sila ng tuluyan ni angelica ay good riddance yun on angel's part. ngayon pa lang na mag on sila, ang dami ng sacrifices ni angel at ang dami ng pagpapasensya, pang unawa at pagtitiis ang ginagawa nya...how much more pa kaya yung kapag kasal na sila. kung baga sa business, habang kalahati pa lang ang puhunan nya, kung alam lang na hindi magandang business eh wag na lang ituloy habang may natitira pa. kesa buong buhay nya ibibigay nya kay derek pero kung habang buhay naman sya nitong sasaktan paulit-ulit eh wag na lang. anong mga pinagtiis ni angel? yung mga nababalitang sinusundo noon na kaibigan daw ni derek sa school na ibang babae, i mean, may gf kang tao pero may ibang babae ka na susunduin mo? parang ba't obliged sya na sumundo ng kaibigang babae, la bang ibang pwedeng sumundo at saka ba't kailangang sunduin? pangalawa yung kay erich, ba't kailangang dalhin sa bahay nila para ipakilala sa ina? parang napaka special naman yata nun kung fan lang yung nanay ni derek, is it w/ a
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  TVviewer

    05/04/2012 | 01:30 PM
    di naman kagwapuhan itong si derek, malakas lang ang appeal. masyado pati syang pikon sa press. i think isa sa dahilan ng pag alis nya sa ABS ay dahil sa pagbuking ng news team ng network abt him being married. kasi ay image na pinapalabas nya noon sa tao eh yung macho bachelor na mapili sa babae, collect ng collect pero di yung tipo na papatali...yun pala kalabas-labas ay may asawa. si derek ang nagpursue kay angelica and hindi vice versa. nung ligawan nya si angel ay wala pa syang pangalan, nakilala na lang nung nalink na sya kay angel at nabigyan ng break sa Isabela with judy anne.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  frankonoel2000

    05/04/2012 | 12:04 PM
    nakatatawa naman ang pag-iisip na nagsasabing mabuting maghiwalay na lang talaga sila dahil hindi naman talaga sila bagay. si Y ay ganito..ganyan. at si X ay galing sa good family! good family!!! so funny!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  bus_stop

    05/04/2012 | 09:04 AM
    hay naku!Derec maawa ka naman kay Angelica...buong buhay nya ibinigay na nya sa iyo!kung totoo mang magkakahiwalay sila baka hindi makayanan ni Angel...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  PEPeeto

    05/04/2012 | 03:52 AM
    no. 51 comment by Mikkie. You are right, Derek Ramsey is a Trophy Boyfriend for Angelica. They are mismatched in the first place. She's not bad looking but she's not really that pretty. And she has sometimes palengkera attitude while Derek is a very good-looking guy who is a gentleman, athletic, decent, humble and comes from a good family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  misstoe

    05/04/2012 | 01:13 AM
    Hay naku, lagi nalang may ganyang issue sa dalawang ito...mabuti pa nga maghiwalay na sila para hindi nalang nila sinasaktan ang isa't isa...pag ganyan ng ganyan ang relationship, it's not worth it..puro nalang pain..konti lang happiness....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  gormiti_2009

    05/03/2012 | 07:33 PM
    GIMIKKKKKKKKKKKKKK, new series, new network for the people involved.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  pearl102

    05/03/2012 | 06:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  coffeestate

    05/03/2012 | 05:10 PM
    Nagpapa ingay lang yan si Derek dahil alam niyo na bagong lipat. lumang istayl na po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  etoako

    05/03/2012 | 04:57 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  etoako

    05/03/2012 | 04:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  angchakamo

    05/03/2012 | 03:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  angchakamo

    05/03/2012 | 03:50 PM
    bat nawala ang yabang at ingay nitong si panganiban? dati lahat binabastos at inaaway nya madikit lang ng konti pangalan ng bf nyang me asawa na.db erich? hala cge angelica...ngayon nga mag ngangawa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  MissHugoBacungan

    05/03/2012 | 02:26 PM
    LOCKED IN. Kung hiwalay na nga sina Derek at Angelica Panganiban, at ngayon ay mag ON na sina Angelica Panganiban at JOHN LLOYD Cruz, ang hangad ko lang ay sana ay huwag ng maulit muli kina Panganiban at JLC ang LOCK IN incidence noon between JLC and Shaina na mga KAPAMIYA stars pa mandin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About