Derek Ramsay keeps mum on rumor that he and Angelica Panganiban are headed for splitsville. He tells PEP, “You know naman me, I will talk naman. But for now, let me have this time naman muna to enjoy.”

Photo: Noel Orsal

Kasabay ng mga pagbati dahil sa nakamit na Box-Office King award, sinalubong din ang aktor na si Derek Ramsay ng mga katanungan tungkol sa balitang hiwalay na raw sila ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Napansin kasi ng ilang media na tila hindi nabanggit ni Derek ang pangalan ng kanyang kasintahan nang magpasalamat siya sa entablado sa ginanap na 43rd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) noong Linggo, Abril 29.

Subalit sa panayam ng media pagkatapos ng programa, ipinaliwanag ng bagong Kapatid star, “I didn’t name names. I didn’t even name my sisters.

"But when I say family, Angel is part of our family.”

Bilang kasagutan na rin sa tanong tungkol sa usap-usapang hiwalay na sila, inamin ni Derek na, “Angel and I are working things out. We’re talking. May pinagdadaanan kami.”

Gayunman, naniniwala si Derek na maaayos din nilang magkasintahan ang problemang kanilang hinaharap sa kasalukuyan.

Sabi pa ng actor-TV host, “Pinagdaanan na rin namin ito before. So we’ll see. ‘Pag nag-usap na kami, doon kami magsasalita.”

"GIVE ME SOME TIME." Samantala, mas lumakas naman ang usap-usapang nagkakalabuan sina Derek at Angelica nang lumabas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star na nagkakamabutihan daw ngayon ang aktres at kapwa Star Magic star nito na si John Lloyd Cruz.

Naisulat ng Startalk host sa kanyang kolumn na maaaring nagsimula raw ito nang mag-shoot sina John Lloyd at Angelica ng mga eksena sa Vietnam para sa susunod nilang teleserye.

Kaugnay nito, sabi rin ng source ng entertainment columnist na may gusot din ngayon ang relasyon nina John Lloyd at Shaina Magdayao.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag ang aktor na si Derek tungkol sa isyung ito sa pamamagitan ng telepono kaninang tanghali, May 2.

Kasalukuyang nasa Boracay ang aktor para sa isang Frisbee competition.

Nakiusap ang aktor na hayaan na muna siyang i-enjoy ang parangal na nakuha niya kamakailan.

Naglabas din siya ng sentimiyento sa entertainment media na sa halip na tanungin siya tungkol sa nakuhang award, sinalubong pa siya ng mga intriga pagkatapos ng programa.

Sa huli, sabi ni Derek, “You know naman me, I will talk naman. But for now, let me have this time naman muna to enjoy.”