Lotlot de Leon on mom Nora Aunor: "Ever since she got back from the States, hindi pa kami talaga nagkakausap at nagkakasama nang matagal. She’s very busy, ako rin may trabaho. Pero once naman na pinapatawag niya kami, nandiyan naman kami. Yung mga isyung samaan ng loob, wala na yun sa amin. Matatanda na kaming mga anak niya para sa isyung iyan.”

Photo: Melo Balingit

Natutuwa si Lotlot de Leon dahil isa siya sa iilang mga artistang malayang nakakapagtrabaho sa tatlong malalaking TV networks sa bansa—ABS-CBN, GMA-7 at TV5.

Advantage daw ito sa kanya dahil bukod sa tuluy-tuloy ang trabaho ay mas may opportunity raw siyang makaganap ng iba’t ibang roles.

“Nakakatuwa, sana mas marami pang channel,” sambit niya.

“I think to be given the chance na nakatrabaho ko na sila lahat before, yun ang pinaka-advantage ko.

“So, pagkatapos ng isa, since I’ve had a good relationship with all the networks, kaya kinukuha nila ako ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Lotlot sa grand presscon ng kinabilalangan niyang bagong primetime fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na ginanap sa Sulo Hotel poolside kagabi, May 1.

Ano ang pakiramdam na muli siyang nakabalik sa ABS-CBN?

“Siyempre masaya. 'Pag ganun kasi, alam mo na may tiwala sila sa iyo. Kahit papaano they’re investing on your talent.

"So, I’m very blessed and grateful.”

WORKING WITH THE CAST. Ginagampanan ni Lotlot sa Aryana ang role ni Rosita Salvador, ang kaibigan at kapitbahay nina Pokwang as Ofelia at Ella Cruz as Aryana.

May tatlong anak siya sa magkakaibang lalaki. Siya ang nanay ni Paul Salas as Marlon, ang kaibigan ni Aryana at may lihim na pagtingin sa dalaga.

Kumusta naman katrabaho si Pokwang?

“Okay, very nice lady. Napakagaling umarte, ang galing-galing niya.

"Kahit saan mo siya ilagay, kahit sa comedy o sa drama, kaya niyang gawin. Madaling pakisamahan.

"Actually, lahat naman kami sa set okay ang samahan," sabi niya.