Paul Salas says his biggest break so far is Aryana, where he is paired with the female lead Ella Cruz.

When asked about the "rivalry" between him and friend Daniel Padilla, the Starstruck Kids alumnus just brushed off the issue, "Magkaibigan po kami."

Photo: Melo Balingit

“Well, opo, pangarap ko po,” ang sagot agad ni Paul.

“Pero sa totoo lang, e, hindi ko pa rin naman nakikita ang sarili ko na malalampasan ko ang narating ng ama ko.

“Kumbaga, ang yabang ko naman siguro kung sasabihin kong pangarap kong lampasan ang kasikatan ni Daddy.

“Ito kasi, e, dream ko talagang mag-showbiz.

“So, gawin ko rin naman ang lahat ng makakaya ko para sa dream kong ito.

“Hindi lang naman ito kagustuhan ng Daddy ko kundi ako mismo, pangarap ko talaga ito.”

Pero kahit maging busy pa siya sa career, hindi mawawala sa priorities ni Paul ang pag-aaral.

Regular third year high school ito sa The Master’s Academy, isang home school na nagpapadala ng mga learning modules sa mag-aaral nito. 

Ang sabi ng dating child star, “Iba na kasi ang makatapos ng pag-aaral.

“Kumbaga, kahit maging busy ka sa showbiz, dapat talagang may natapos ka rin.”

STAGE FATHER? Ang kanyang ama ang kanyang kasama sa taping o out of town shows. Okay lang naman daw ito kay Paul.

Paliwanag niya, “Hindi ko rin kasi kayang wala sila sa tabi ko.

“Kasi, sa totoo lang, sa kabataang kagaya ko e, hindi mo talaga basta na lang maiiwasan ang anumang temptation.

“May mga teenagers kasi tayo na kapag wala ang mga magulang nila e, sumasama sa iba’t ibang barkada, kaya ayun napariwara ang buhay nila.”