news

Pokwang on identity of the person who gave her a diamond-studded ring: "'Wag ninyong itanong. Baka magulat pa kayo."
by Jimi C. Escala posted on May 4, 2012  STATS: 31109 Views | 9 Comments

Pokwang on doing a noontime show: “Sino ba ang hindi nakaka-miss noon? Pero okay lang naman kasi ang ganda ng plano sa akin ng ABS—bongga ang mga shows na ibinigay nila sa akin."

Photo By: Melo Balingit

Nakaka-relate daw si Pokwang sa role niya sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na magsisimula ngayong Lunes, May 7.

“Sobrang lapit sa buhay ko ang role ko sa Aryana.

“Medyo naka-relate nga ako, kaya hindi maiwasan minsan na medyo mapaiyak na lang ako dahil sobrang lapit ng role ko rito sa tunay na buhay.

“Yung isang nanay na nahiwalay sa isang anak, di ba?

“Pero nakatulong naman para mas gumanda lalo ang acting ko na hinihingi nila,”ssabi ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Aryana noong May 1.

Dagdag pa ng comedienne, “Minsan nga may mga linya akong binabasa pa lang na parang dinudurog na ako.

“Kumbaga, parang sinasabi ko ito sa totoong buhay."

RELATES TO THE STORY. May isang eksenang hindi raw kinaya ni Pokwang ang ending at biglang napahinto siya sa gitna ng taping.

“Ito yung eksena na hindi kinikilala ni Tonton [Gutierrez] na anak talaga namin si Aryana.

“Hindi siya maniwala na nagkaroon kami ng anak. Kumbaga, sobrang sakit talaga.

“Anak n’yo yun, ‘tapos itatanggi ng isang tao na sa pagkakaalam mo ay isa sa ipagtatanggol ka, pero instead, dinurog lalo ang pagkatao mo.”

Aminado si Pokwang na nahirapan siyang mag-deliver sa naturang eksena.

Pero sa tulong ng mga naging kaeksena niya, naitawid niya nang maganda ang kanyang role.

“Siyempre, hindi naman tayo pinabayaan ng mga kaeskena kagaya nina Tonton, Direk Laurice [Guillen], at iba pa.

“Kumbaga, naging maganda ang pag-deliver dahil magagaling din naman ang mga kaeksena ko.”

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • JeepneyDriver

    05/06/2012 | 12:57 AM
    ito papala sa titlle nitong article mismo '''Wag niyong itanong.Baka magulat pa kayo ." Bwahahahaha anong symbol ba yan ''' tatlo , ano yan math...? triple prime..bwahahaha ..grabe ka...pumasa ka ba ng grade 1 ? Anong ginamit mo,pangsulat ng aricle na ito..cellphone mo...matagal ng may spell check at grammar check . . .di mo siguro alam yun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • panyan

    05/05/2012 | 06:10 PM
    marami ng naitulong si pokwang sa pamilya n'ya! bagay lang makulong kapatid nya para maturuan ng leksyon! bkt sino ba nag-utos sa kanyang mangutang,c pokwang ba? kalakaran na yan sa middle east na mangungutang 'tas hnd sila magbabayad dahil ang sabi ng iba after 2years erase na din sa system.. bagay ang yan sa mga taong balasubas!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • FantaziaDLipz

    05/05/2012 | 09:32 AM
    si Pokwang ang topic, bakit picture ni Angel Locsin ang nakalagay? Nakakapagtaka naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • JeepneyDriver

    05/05/2012 | 01:34 AM
    I agree with pinaylicious, whoever wrote this article..di man lang pinabasa sa iba bago e-release dito, parang nagtetext lang.. Hu U? ...hahaha..ito pa namiss mo pinaylicious, napansin ng grade 2 na pamangkin ko hahahaha . ." ssabi ni pokwang" "Anak n’yo yun" " Yun na, e" " nakakalaalam" grabe , saan mo pinaghuhugot itong mga salitang ito , kung nasa dyaryo ka sisante ka na sa trabaho mo. . may kasama pang batok...This only shows the quality of Journalism they have here...LATAK... "huwag niyong buburahin ito..."
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    05/04/2012 | 01:40 PM
    SHOWING OFF. ABS CBN star Pokwang has again bragging off her what ever. Pero yung NAKAKULONG niyang kapatid sa overseas dahil HINDI makabayad ng UTANG, hindi man lang tinulungan. Shame shame shame on you!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lanieguillen

    05/04/2012 | 01:35 PM
    like Pokwang.. she deserves to be happy.. just waiting for the right person to come...keep your feet on the ground at pagpapalain ka pa ng maraming grasya at isa na ang darating na Papa mo.. in the future..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ike

    05/04/2012 | 01:11 PM
    Pareho sila ni Toni na multi-talented- pwede sa comedy, pwede sa drama, both can sing and dance, can host a show at parehong mapagmahal sa family. That's why they are blessed. I luv them both.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinaylicious

    05/04/2012 | 12:43 PM
    Sa dami ng ad ng site na 'to di man lang naglaan ng budget for proof reading. " NAKAKA-RELATED " first word pa nman ng article. Tapos there's 1 quote of pokwang...“Siyempre, hindi naman tayo pinabayaan ng mga KAESKENA kagaya nina Tonton, Direk Laurice [Guillen], at iba pa. I'm not a grammar police, but if you try to present your article in a professional manner, then all should be presented professionally.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    05/04/2012 | 12:22 PM
    good for you pokwang, pinagtrabahuan mo naman yan, go take a vacation, buy yourself diamonds, go party, be happy and be merry basta walang inaapakang iba, go lang ng go.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About