Pokwang on doing a noontime show: “Sino ba ang hindi nakaka-miss noon? Pero okay lang naman kasi ang ganda ng plano sa akin ng ABS—bongga ang mga shows na ibinigay nila sa akin."

Photo: Melo Balingit

Nakaka-relate daw si Pokwang sa role niya sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Aryana, na magsisimula ngayong Lunes, May 7.

“Sobrang lapit sa buhay ko ang role ko sa Aryana.

“Medyo naka-relate nga ako, kaya hindi maiwasan minsan na medyo mapaiyak na lang ako dahil sobrang lapit ng role ko rito sa tunay na buhay.

“Yung isang nanay na nahiwalay sa isang anak, di ba?

“Pero nakatulong naman para mas gumanda lalo ang acting ko na hinihingi nila,”ssabi ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Aryana noong May 1.

Dagdag pa ng comedienne, “Minsan nga may mga linya akong binabasa pa lang na parang dinudurog na ako.

“Kumbaga, parang sinasabi ko ito sa totoong buhay."

RELATES TO THE STORY. May isang eksenang hindi raw kinaya ni Pokwang ang ending at biglang napahinto siya sa gitna ng taping.

“Ito yung eksena na hindi kinikilala ni Tonton [Gutierrez] na anak talaga namin si Aryana.

“Hindi siya maniwala na nagkaroon kami ng anak. Kumbaga, sobrang sakit talaga.

“Anak n’yo yun, ‘tapos itatanggi ng isang tao na sa pagkakaalam mo ay isa sa ipagtatanggol ka, pero instead, dinurog lalo ang pagkatao mo.”

Aminado si Pokwang na nahirapan siyang mag-deliver sa naturang eksena.

Pero sa tulong ng mga naging kaeksena niya, naitawid niya nang maganda ang kanyang role.

“Siyempre, hindi naman tayo pinabayaan ng mga kaeskena kagaya nina Tonton, Direk Laurice [Guillen], at iba pa.

“Kumbaga, naging maganda ang pag-deliver dahil magagaling din naman ang mga kaeksena ko.”