Just a few months after getting back together, John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao have decided to end their relationship. But contrary to reports, Angelica Panganiban (inset) has nothing to do with their breakup.

Photo: Noel Orsal

Ibig sabihin, matagal na raw break ang dalawa ngunit ngayon lamang ito lumalabas.

Nagkapatung-patong na raw kasi ang maliliit na problema ng 28-year-old actor at 22-year-old actress.

Kuwento pa ng pangalawang source, naganap ang paghihiwalay nina John Lloyd at Shaina sa isang party sa mismong bahay ng young actress.

Dito raw ay sinabihan ng pinakamatandang kapatid ni Shaina na si Sheila Magdayao—asawa ng anak ni German Moreno na si Federico—ang young actress na “Tama na…”

Na ang ibig sabihin ay panahon na para tapusin nila ang kanilang relasyon.

Ayon naman sa pangatlong source, isang rason kung bakit nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina John Lloyd at Shaina ay dahil hindi malapit ang young actress sa pamilya ng aktor.

Bagamat mabait at maasikasong girlfriend si Shaina, giit ng source, demanding daw ito sa oras at panahon ni John Lloyd.

Dagdag pa ng source, marahil dahil bata pa si Shaina, gusto nito na laging sila lamang dalawa ni John Lloyd ang magkasama. Halimbawa raw, kapag nagbibiyahe sa ibang bansa, mas ginugusto nitong hindi kasama ang pamilya ng aktor.

Nagpadala ng text messages ang PEP sa handler ni Shaina at maging sa pamunuan ng Star Magic kaninang umaga, May 3, upang makuhanan sana ng pahayag ang young actress. Pero hanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanila.

Matatandaang noong October 2011 ay naghiwalay na rin sina John Lloyd at Shaina.

Bagamat lumabas noon ang pangalan ni Ruffa Gutierrez na siyang dahilan diumano ng pagkakalabuan nila, parehong itinanggi nina John Lloyd at Shaina na may kinalaman dito ang TV host-actress.

Kinalaunan, sinubukan nina John Lloyd at Shaina na tahimik ayusin ang kanilang problema hanggang sa magkabalikan na nga sila.

At sa pagkakataong ito, sinabi nilang ma magiging pribado sila pagdating sa kanilang relasyon.

Ngunit hindi nga nagtagal ay muling naghiwalay ang dalawa.

Sa kasamaang palad, nadawit naman ngayon ang pangalan ni Angelica sa hiwalayan nina John Lloyd at Shaina.