“Gusto ko po talaga makatapos. Kahit po nahihirapan ako sa schedule, pinagkakasya ko talaga, kasi hindi mawawala yun, e. Ang kasikatan, mawawala din naman yun, e. Pero yung talino, hindi mawawala yun, e," says Louise delos Reyes about her desire to finish her studies.

Photo: Noel Orsal

Excited ang buong cast ng pelikulang The Road ng GMA Films sa nalalapit na red-carpet premiere nito sa Hollywood sa May 9.

Pero nanghinayang ang cast member na si Louise delos Reyes dahil hindi siya makakasama.

OJT AT THE SENATE. Gusto man niyang sumama, hindi raw talaga puwede dahil may mga taping pa siya para sa My Beloved.

Kailangan din daw niyang mag-OJT (On-the-Job Training) sa Senado kaugnay sa kursong tinatapos niya sa Lyceum of the Philippines.

Sa pasukan ay huling taon na ni Louise sa kursong Foreign Service at bahagi nga itong OJT niya sa Senado.

Kuwento ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa Protocol po ako sa Senate. Mga office works po dun.

“Nag-apply din ako kay Senator Miriam Defensor-Santiago, pero hinihintay ko pa ang approval.

“Gusto ko pa sana talaga makapag-work sa office ni Senator Miriam, kasi napapanood ko siya sa impeachment.

“Naaaliw ako sa kanya, sobrang talino niya, pati magsalita ang galing niya.

“Saka ako, personally, gusto ko senator na babae ang papasukan ko sa Senate, na gusto ko rin sana may connection sa environment, sa mga kababaihan… ganun.

“Saka yung wit ni Senator Miriam, yun ang gusto ko sa kanya,

“Feeling ko, marami talaga akong matututunan sa kanya,” saad ng young actress.

Kailangang makabuo na raw siya ng 300 hours ng OJT, para hindi na raw siya mangarag kapag malapit na ang graduaton.

“Kasi huling taon na lang, e. Nakakapanghinayang na yung three years na pinaghirapan ko, ‘tapos hindi ko pa tatapusin,” pakli nito.

NO SPECIAL TREATMENT. Natutuwa si Louise dahil hindi naman siya nakakaramdam doon ng special treatment kahit ikinukuwento daw ng ibang staff na napapanood siya sa Alakdana.