Rayver Cruz on Cristine Reyes spending her vacation with her "friends" in Boracay without him: “May work ako nun. Mga kaibigan  ni AA yun, kilala ko sila.”

Photo: Noel Orsal

May naglalabasan na namang balita na break na raw sina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Nagsimula raw ito nang maitambal si Cristine sa aktor na si Piolo Pascual sa ABS-CBN primetime series na Dahil Sa Pag-ibig.

Lalong lumakas ang hinala ng ilan na nagkakalabuan na ang dalawa nang lumabas sa Internat at tabloids ang pictures ni Cristine kasama ang mga kaibigan nito nang magbakasyon sila sa Boracay. Hindi kasama sa lakad na iyon si Rayver.

   

Pero paglilinaw ng Kapamilya young actor, “Okay kami.

"Heto ang lagi kong sinasabi, ever since na ini-interview ninyo ako, okay kami.

“Sobrang okay kami ni AA [palayaw ni Cristine], walang nagbago. 

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga issues, pero okay kami.

   

“May work ako nun," pagtukoy niya sa out-of-the-country shows niya kasama ang ibang Star Magic talents.

Dagdag pa niya, "Mga kaibigan ni AA yun, kilala ko sila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philipinne Entertainment Portal) at ng Cinema News si Rayver sa Metrowear Fashion Rocks the Runway event noong Miyerkules, May 2, sa Isla Ballroom ng Shangri-la Hotel, Edsa.

CRISTINE VS. ARA. Isa pa sa isyung kinasasangkutan ni Cristine ngayon ay ang pagsasampa ng mga reklamong libel at grave coercion laban sa kanya ng kapatid niyang si Ara Mina.

   

Ayon kay Ara, gusto niyang turuan ng leksiyon ang kapatid dahil sa sobra-sobra na raw na pang-aalipusta at panghahamak na ginawa ni Cristine sa kanya. 

Nai-publish ang text messages daw ni Cristine para sa kapatid at sari-sari ang reaksiyon mula publiko tungkol sa hidawaan ng dalawa.

(CLICK HERE to read related story.)

   

Sa nakaraang 43rd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ay ay inialay ni Cristine ang tropeyo niya bilang Box-Office Queen sa kanyang pamilya, ina, at sa kanyang ate Ara—na ayon sa aktres ay inspirasyon niya raw sa kanyang pag-aartista.

Sa ginawang ito ni Cristine ay nagpapahiwatig lang na mukhang gusto na nitong tuldukan ang hidwaan nila ng kapatid.

Tinanong ng PEP si Rayver kung paano niya sinusuportahan ang kasintahan sa pinagdaraanan nito at ng pamilya nila, pero matipid lang ang naging tugin nito sa amin.

Aniya, “Basta alam naman niya na lagi akong nandito para sa kanya.”

HIS NEW SHOW? Kung si Cristine ay regular nang napapanood sa Dahil Sa Pag-ibig, huli namang napanood si Rayver sa Reputasyon kung saan nakapareha niya ang kasintahan.