Vilma Santos speaks highly of her co-stars in The Healing; of Pokwang, she says: “Yung Pokwang na alam mong magaling magpatawa, pero dito, e, madadala ka niya sa mga eksena… magaling siyang aktres.” And her impression of Kim Chui: “At sa totoo lang, magaling si Kim Chiu at malayung-malayo ang mararating ng batang 'yan sa showbiz.”

Photo: Noel Orsal

Kahit medyo apurahan ang shooting ng The Healing ay pinagbigyan pa rin ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) for an interview in between takes.

Kaeksena niya noong gabing yun sina Pokwang, Allan Paule, at Ynez Veneracion.

NEW INDIE MOVIE. Ikinuwento ni Ate Vi sa PEP na pagkatapos ng The Healing ni Direk Chito Roño, ang offer na indie movie ni Adolf Alix ang posible niyang maging next movie.

Tapos na niyang basahin ang script nito at gustung-gusto niya raw itong gawin.

Kuwento ni Ate Vi, “Istorya ito ng isang ina na Ma Barker ang dating."

Si Ma Barker ay isang ina ng mga gangster na kinatatakutan noon sa Amerika.

“Isang matapang na nanay ako dito na illegal ang lahat ng trabaho ng mga anak.

“’Tapos, isang anak niya napatay; then yung isang anak pa, e, nasangkot sa drugs.

“Kumbaga, maganda ang story at ang daming twist.

“At saka pati ang dialogue, gustung-gusto ko.

“Medyo maghihiganti rin ako rito sa pumatay sa anak ko… maganda talaga."

Isang inang nagmumura, parang palaging galit, at bungangera ang papel ni Ate Vi sa magiging kauna-unahan niyang indie movie kung sakaling matuloy ito.

Pero ayon kay Ate Vi, depende pa rin yun sa pelikula niyang The Healing at sa Star Cinema.

“Nakausap ko na si Alix [Adolf], sabi ko sa kanya, pag-usapan namin kung papaano ko magagawa.

“Pero sa totoo lang talaga, gusto kong gawin at very challenging ang role.