news

Zanjoe Marudo on relationship with Bea Alonzo: "Maayos… namumulaklak.”

by Melba Llanera posted on May 4, 2012  STATS: 13003 Views | 13 Comments

“Message ko kay Bea, hindi tayo maghihiwalay tandaan mo ‘yan. Pangako 'yan!’” says Zanjoe Marudo when asked about rumors that he and Bea Alonzo have gone seperate ways.

Photo By: Noel Orsal

Sa sunud-sunod na balita tungkol sa hiwalayan—mula kina Derek Ramsay at Angelica Panganiban at sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz—pati sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ay sinasabing nagkanya-kanya na rin daw ng landas.

  

Kagagaling lang nina Zanjoe at Bea sa Hawaii para sa 20thanniversary show ng Star Magic. Minabuti na rin ng magkasintahan na magbakasyon doon noong nakaraang Semana Santa.

Sa kanilang pagbalik, walang masyadong nababalitaan tungkol kina Zanjoe at Bea kaya marahil ipinagpalagay ng ilan na baka nagaya na rin ang relasyon nila sa mga naghiwalay na showbiz couples.

   

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa Metrowear, Fashion Rocks The Runway show noong Miyerkules, May 1, sa Edsa Shangri-La Hotel. Tinanong namin siya tungkol sa balitang hiwalay na rin sila ni Bea.

“Kaming dalawa? Hindi kami maghihiwalay. 

"Maganda ang itinatakbo ng relasyon namin. Maayos… namumulaklak,” nangingiti niyang pahayag.

  

May mensahe pa si Zanjoe para sa kasintahan:

“Message ko kay Bea, hindi tayo maghihiwalay, tandan mo ‘yan. Pangako 'yan!’”

JOHN LLOYD-BEA FAN. Magsasamang muli sina Bea at John Lloyd Cruz sa isang teleserye at pelikula na matagal nang inaabangan ng kanilang mga tagahanga. 

Ngayong gumagawa na ng mature roles ang dalawa, hindi kaya magselos si Zanjoe kung may matitinding kissing at love scenes ang girlfriend at si John Lloyd?

  

“Siyempre excited fan ako ng John Lloyd-Bea.

"Okay lang yun, dati na nilang ginagawa yun,” sagot niya.

Samantala, para naman sa mga tagahanga ni Zanjoe ay may nakalinya na rin daw siyang mga proyekto.  

“Mayroon akong gagawin pero hindi pa napa-finalize. Pelikula at teleserye, so sana abangan nila yun,” pagtatapos niya.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  freshbreath

    05/05/2012 | 07:30 AM
    grabe, ayaw na pakawalan si bea!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lulu_girl

    05/05/2012 | 06:02 AM
    buti pa si Zanjoe maganda magdala ng relasyon kay Bea.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  petiteclau

    05/05/2012 | 02:15 AM
    Sana lang kayong dalawa na nga in the end forever n ever....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pinas48

    05/04/2012 | 10:46 PM
    sana nga kayo na magkatuluyan..bagay kayo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • statesmen

    05/04/2012 | 10:42 PM
    parang namang nagbabanta yung linyang, "tandaan mo yan". fan ka ba talaga? eh bakit kayo nag-away? just asking.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    05/04/2012 | 09:36 PM
    Kasi hindi ka sweet sa lahat ng babae, Z kaya pinahalagahan ka ni Bea. Cute couple! Neither sa kanila OA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gelaicruz1

    05/04/2012 | 09:09 PM
    talagang ayaw ng bitiwan ni zzzzzzz si bea ah! para nga namang nanalo sa loto ang mokong na to! God bless sa inyong dalawa yan ang tunay na nagmamahal, ipinangangalandakan sa buong mundo, boo at sigurado sa isip at gawa bwahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    05/04/2012 | 08:11 PM
    Ito namumulaklak, yung kay Cristine at bf nyang si Rayver namumutok..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sexybiatch1623

    05/04/2012 | 07:56 PM
    susanboyle lol may ibedensya ka? kung maka ON ka naman,wagas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kayako

    05/04/2012 | 07:51 PM
    wow ka sweet naman..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • susanboyle

    05/04/2012 | 07:01 PM
    di ba dati ring ka ON ni papa P si zanjoe? Ok lang yan kase dati ring my ka ON si bea na girlaloo di ba? kaya nag kaintindihan sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    05/04/2012 | 04:12 PM
    Zanjoe Marudo on relationship with Bea Alonzo: "Maayos… namumulaklak.” - ano yan, almoranas?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gee_girl24

    05/04/2012 | 03:52 PM
    sana kau na nga...goodluck.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About