After her 2008 movie Torotot, Maui Taylor goes to acting via the Korean erotic suspense-drama film The Taste Of Money [left]. “Feeling ko nung nag-start kaming mag-shoot, para akong nangangalawang,” admits Maui.

Photo: Rommel R. Llanes

Brokenhearted mula sa huli niyang nakarelasyon, tinanggap ni Maui Taylor ang alok mula sa isang Korean film company na gumawa ng pelikula sa Seoul, South Korea.

Apat na buwan—November 2011 to February 2012—nag-shoot ng pelikula ang 30-year-old sexy actress kasama ang mga Koreano.

“Ako lang po talaga ang Filipino roon. Lahat, Korean,” sabi ni Maui nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press na inimbitahan sa pa-presscon sa kanya ng mother studio niyang Viva Films sa opisina mismo nito sa Tektite Bldg., Pasig City, kaninang hapon, Abril 4.

Sa umpisa lang daw naging mahirap para kay Maui ang pakikipagtrabaho sa mga Koreano dahil halos hindi sila magkaintindihan.

“Nung una, hindi naman po kasi sila lahat fluent sa English. So, medyo nahirapan po akong kausapin sila.

“Pero tinulungan na kami ng make-up artist, ‘tapos yung isang co-actress na kasama ko dun na Korean din, she knows how to speak in English very well, so siya rin yung nagta-translate,” kuwento ni Maui.

Kasama ang dating Viva Hot Babe sa Korean film na The Taste Of Money, isang erotic suspense-drama na umiikot sa obsesyon ng characters sa kapangyarihan, pera, at sex.

Ang award-winning Korean director na si Im Sang-soo ang nagdirek ng pelikula na—katulad din ng huling pelikula nito na The Housemaid (2010)—magko-compete para sa Palme d’Or ng 2012 Cannes Film Festival.

Ang Palme d’Or ang pinakamataas na karangalan sa nabanggit na taunang prestihiyosong French international film festival. Ibinibigay ito sa direktor ng mapipiling pinakamagandang pelikula ng festival.

At dahil competition film nga ito, inaasahang kabilang si Maui sa mga lalakad sa red carpet ng Cannes filmfest.

“Actually, pinag-iisipan nila [Korean producers] ngayon,” sabi naman ni Maui. “They’re changing their minds kung sino talagang mga artista ang pupunta.”

Pero kung sakaling makakasama nga siya sa The Taste of Money entourage, ang Filipino couturier at Project Runway Philippines first season finalist na si Veejay Floresca raw ang gagawa ng kanyang gown.  

LAMANGAN FILM GOT HER IN. Magpe-premiere na raw sa May 15 sa Seoul, South Korea ang The Taste of Money.

“It’s a mainstream movie. To correct everyone, kasi akala po nila, indie lang po ito.

“Hindi po siya indie film, mainstream movie po talaga siya,” paglilinaw ni Maui.