“Wala rin naman kami [problema]. As far as I am concerned, mayroon lang kaming di pagkakaunawaan,” says Senator Tito Sotto about the possibility of communicating with Sharon Cuneta, who had a misunderstanding with his wife and Sharon’s aunt, Helen Gamboa.

Photo: Nerisa Almo

“Alam mo naman na kapag tunay na nagmamahalan, in the end, pagmamahalan ang lilitaw, e, at hindi ang di pagkakaunawaan.”

Ganito inilarawan ni Senator Tito Sotto ang muling pag-uusap ng asawa niyang si Helen Gamboa at pamangkin nitong si Sharon Cuneta.

Si Sharon ay anak ng nakatatandang kapatid ni Helen na si Elaine Gamboa-Cuneta.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo, naging laman ng balita ang tampuhan ng magtiyahin. Ito ay nagsimula noong nakaraang taon nang maghalal ang Senado ng Senate President.

Ninais ng mister ni Sharon na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maging Senate President. Subalit hindi niya nakuha ang suporta ni Senator Tito dahil ibinigay niya ang boto niya kay Senator Juan Ponce Enrile, na siyang kasalukuyang Senate President.

(CLICK HERE to read related article)

Pero tila unti-unti nang naaayos ang problemang ito sa pagitan nina Sharon at Helen.

Ayon kay Tito Sen (popular na bansag kay Senator Tito), “Okay naman. Sharon and Helen have communicated with each other in the last days yata."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang senador sa inihandang press conference ng Svenson para sa kanya kaninang hapon, May 4.

Patuloy pa niya, “Helen was telling me about it, nag-text daw sa kanya si Sharon.

"Then, nagpalitan sila ng text about what they felt for each other.”

Sa kanyang parte, hindi naman na raw naghihintay pa si Tito Sen ng pagkukusa mula kay Sharon para kausapin siya.

“I’m sure she will. I’m sure she will,” sabi ng TV host-politician.

“Sila naman [ni Helen] ang nagte-text, e. She usually texts naman, e, even before.

“Kami naman, paminsan-minsan lang, kapag may okasyon.”