news

Senator Tito Sotto on Sharon Cuneta: “Mahal na mahal namin siya.”

by Nerisa Almo posted on May 4, 2012  STATS: 52365 Views | 30 Comments

“Wala rin naman kami [problema]. As far as I am concerned, mayroon lang kaming di pagkakaunawaan,” says Senator Tito Sotto about the possibility of communicating with Sharon Cuneta, who had a misunderstanding with his wife and Sharon’s aunt, Helen Gamboa.

Photo By: Nerisa Almo

“Alam mo naman na kapag tunay na nagmamahalan, in the end, pagmamahalan ang lilitaw, e, at hindi ang di pagkakaunawaan.”

Ganito inilarawan ni Senator Tito Sotto ang muling pag-uusap ng asawa niyang si Helen Gamboa at pamangkin nitong si Sharon Cuneta.

Si Sharon ay anak ng nakatatandang kapatid ni Helen na si Elaine Gamboa-Cuneta.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo, naging laman ng balita ang tampuhan ng magtiyahin. Ito ay nagsimula noong nakaraang taon nang maghalal ang Senado ng Senate President.

Ninais ng mister ni Sharon na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maging Senate President. Subalit hindi niya nakuha ang suporta ni Senator Tito dahil ibinigay niya ang boto niya kay Senator Juan Ponce Enrile, na siyang kasalukuyang Senate President.

(CLICK HERE to read related article)

Pero tila unti-unti nang naaayos ang problemang ito sa pagitan nina Sharon at Helen.

Ayon kay Tito Sen (popular na bansag kay Senator Tito), “Okay naman. Sharon and Helen have communicated with each other in the last days yata."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang senador sa inihandang press conference ng Svenson para sa kanya kaninang hapon, May 4.

Patuloy pa niya, “Helen was telling me about it, nag-text daw sa kanya si Sharon.

"Then, nagpalitan sila ng text about what they felt for each other.”

Sa kanyang parte, hindi naman na raw naghihintay pa si Tito Sen ng pagkukusa mula kay Sharon para kausapin siya.

“I’m sure she will. I’m sure she will,” sabi ng TV host-politician.

“Sila naman [ni Helen] ang nagte-text, e. She usually texts naman, e, even before.

“Kami naman, paminsan-minsan lang, kapag may okasyon.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  peppito

    05/06/2012 | 02:35 AM
    for those who are saying na walang nagawa si Tito Sotto sa senado...better look on the senate website at alamin niyo ung mga naipasa niyang batas..marami sa mga senate bills na naipasa ay siya mismo ang author at karamihan dito ay tungkol sa droga, siya rin mismo ang nagsusulong namagkaroon ng sariling hukuman na didinig sa mga kaso ng droga para mapabilis ang mga ito...mas di hamak naman marami siyang nagawa kesa sa nakaupo sa malacanang na literal na tumambay lng sa kongreso at senado, ngayon sa palasyo naman nagnoynoying !!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  chowee143

    05/05/2012 | 07:56 PM
    hehehe ayus! may libreng english tuitorials pa!!! hahah mga pnoys nga nmn ang hilig hilig mag galing galingan sa english haaayysstt natalo pa tlaga ung mga born english speaking ehh, cla nde nag kokorek, nakaka intindi na nde nmn nten salita ung english at kadalasan, nag eencouraged pa pra magka confidence, pero mga pnoys, ubod ng aarte hahaha nkakatawa ugaling pnoys, nde nwawala ang KAYABANGAN!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  pear1102

    05/05/2012 | 07:24 PM
    gimikero. malapit na kc ang eleksyon. ano ba yang mga artista na yan. para lng pag usapan. gamitan ang uso ngayon. si laosyang machuba kc malapit na airing ng show na paniguradong flop. hahah. ito naman na walang nagawa sa senado eh nag iingay na. hahah...... ka cheapan to d max...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  coolet_06

    05/05/2012 | 06:40 PM
    glowinthedark2 05/05/2012 | 01:00 AM 'same side of defense' o same side of the fence.. hahhaha sino ang mali si sen o ung writer? ---->>> either of the two ang may mali.. baka mali sa pagkakarinig ang wrtier or mali sa pagkakabigkas si tito sen...? hahaha... in english, we pronounce "the" with a short sound like "thuh". But when "the" comes before a vowel sound, we pronounce it as a long "thee".
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  humandynamics

    05/05/2012 | 03:55 PM
    common sense alangan namang kampihan ni sharon si tito over her husband kiko.. same goes to helen alangan namang kampihan niya si kiko over her husband tito.. kung ano ano pa kasi ang sinasabi ng matandang helen, masyadong namersonal, kesyo ek ek na sobrang yaman kaya di maabot. noon pa naman mayaman si sharon hindi niya alam? wala kayang kasamang inggit yon kasi pati yon binanggit, parang affected sa bilyon?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  avidreader53

    05/05/2012 | 02:17 PM
    Patas at fair lang si Helen at Sharon. While Helen is on her husband Tito's side, gano din si Sahron. kampihan din niya ang asawa niyang si Kiko. Siympre naman ,asawa mo at ama ng mga anank mo, kanya knaya silang kampi . Tama lang naman si Sharon na kampihan niya ang asawa niya, gaya ng tita helen niya, na kampihan din ang asawa nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  sweetum

    05/05/2012 | 01:50 PM
    Naku Tito Sen makikipag ayos yan kunwari para pagusapan ang kanyang TV show, gagawin ang lahat pagusapan lang sya ulit. Puro iloveyous na naman sa mga guest nya, plastic! No way na panoorin ko to, kay Jessica Soho nalang ako manonood!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  djelibeybi

    05/05/2012 | 11:48 AM
    same side of defense... lol.. parang yung "fish bowl" lang ni Pnoy naging "fishball".. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  perlita66

    05/05/2012 | 10:20 AM
    Alangan naman na sabihin ni Tito Sotto, hindi niya mahal si Sharon Cuneta. Obviously kapag politics na ang usapan walang pami-pamilya. At least nalaman na nang magkapamilya na merong pader sa bawat relasyon. Hindi naman nila kailangan maging mabait sa isa't-isa. Magkaiba sila ng paniniwala sa lahat ng bagay at yan ang realidad ng buhay. Hindi mo kailagan aliwin ang bawat tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  MSneutral

    05/05/2012 | 09:55 AM
    Whatever, wla parin ako nababalitaan may nagawa ka sa gobyerno, pareho2 lang lahat ng gov. officials hindi makapagkatiwalaan, well we have the right to speak out our own opinion..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  jeffrey1

    05/05/2012 | 09:35 AM
    NOTED!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Xray

    05/05/2012 | 09:31 AM
    Malaki na ang na-ipon nilang tatlo ni Honasan at Enrile, pero syempre hindi pa rin kuntento. Hindi raw nakiki-alam si Helen sa pulitika, hindi bumibisita sa opisina, sumasama sa U.S. travels, etc. Mabuti yun at baka magsing-abot pa sila ni Ilonah Jean.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  pinklemonade

    05/05/2012 | 09:29 AM
    same side of the fence!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  trinoma_rat

    05/05/2012 | 09:20 AM
    two sides lang nga naman yan--either you're for the prosecution or for the defense. hihihihi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  shiecake

    05/05/2012 | 08:51 AM
    Grabe naman makapag salita ung mga iba dito.. : wala daw nagawa si Tito Sen, tignan nyo naman po ung profile nya 61 senate bills po ung naipasa, yan po ba ang tumatambay lang?. Tas di porke dahil kamag-anak ee, iboboto mo na kung di naman deserving para sa position. kanya-kanyang opinion po, pero kung sa opinyon ni Tito Sen ee mas deserving si Mr. Enrile di naman po dapat yata magalit si Sharon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  bulagafan

    05/05/2012 | 08:42 AM
    kung talagang mahal ninyo si Sharon, sana pinagbigyan ninyo si Kiko. Alam naman ni Tito na nabaon sa utang si Sharon at Kiko dahil kumandidatong independent si Kiko kaya mas kailangan niyang maging senate president para mabawi ang mga gastos. Di naman kasi niya nakuha ang pagkandidatong vp kasi pinagbigyan ni Mar si Noynoy. Kulang marahil ang SOP sa pork barrel at allowances sa senado para mabawi ang ginastos noon sa kampanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  agusanonko

    05/05/2012 | 08:31 AM
    ayan nagpapahiwatig na kaysa naman mgbayad pa sa ad tv mahal kaya at least yan gamitan lang cla..mga gutom sa kapangyarihan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kardashians

    05/05/2012 | 08:14 AM
    Asus, OLD CHEAP POLITICAL TACTIC ito. Pagkatapos ng pagsalitaan ng mga masasakit na below the belt si Mega dahil lang sa Pulitika.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  MSneutral

    05/05/2012 | 06:32 AM
    tama ka halabira..Palage lang yan NKATAMBAY sa eat bulaga wla nman nagawa sa posisyon nya sa senado, playing safe kc yan sa sinado kaya balimbing kung saan papanig..Tumotulong daw sa eat bulaga if I know hindi aabot sa 1/4 ang bnibigay nya kaysa kinita nya sa gobyerno...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Metaxu

    05/05/2012 | 03:52 AM
    natawa naman ako doon other side of the fence naging other side of defense? lol :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About