news

Senator Tito Sotto on Sharon Cuneta: “Mahal na mahal namin siya.”

by Nerisa Almo posted on May 4, 2012  STATS: 52362 Views | 30 Comments

“Wala rin naman kami [problema]. As far as I am concerned, mayroon lang kaming di pagkakaunawaan,” says Senator Tito Sotto about the possibility of communicating with Sharon Cuneta, who had a misunderstanding with his wife and Sharon’s aunt, Helen Gamboa.

Photo By: Nerisa Almo

“Alam mo naman na kapag tunay na nagmamahalan, in the end, pagmamahalan ang lilitaw, e, at hindi ang di pagkakaunawaan.”

Ganito inilarawan ni Senator Tito Sotto ang muling pag-uusap ng asawa niyang si Helen Gamboa at pamangkin nitong si Sharon Cuneta.

Si Sharon ay anak ng nakatatandang kapatid ni Helen na si Elaine Gamboa-Cuneta.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo, naging laman ng balita ang tampuhan ng magtiyahin. Ito ay nagsimula noong nakaraang taon nang maghalal ang Senado ng Senate President.

Ninais ng mister ni Sharon na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maging Senate President. Subalit hindi niya nakuha ang suporta ni Senator Tito dahil ibinigay niya ang boto niya kay Senator Juan Ponce Enrile, na siyang kasalukuyang Senate President.

(CLICK HERE to read related article)

Pero tila unti-unti nang naaayos ang problemang ito sa pagitan nina Sharon at Helen.

Ayon kay Tito Sen (popular na bansag kay Senator Tito), “Okay naman. Sharon and Helen have communicated with each other in the last days yata."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang senador sa inihandang press conference ng Svenson para sa kanya kaninang hapon, May 4.

Patuloy pa niya, “Helen was telling me about it, nag-text daw sa kanya si Sharon.

"Then, nagpalitan sila ng text about what they felt for each other.”

Sa kanyang parte, hindi naman na raw naghihintay pa si Tito Sen ng pagkukusa mula kay Sharon para kausapin siya.

“I’m sure she will. I’m sure she will,” sabi ng TV host-politician.

“Sila naman [ni Helen] ang nagte-text, e. She usually texts naman, e, even before.

“Kami naman, paminsan-minsan lang, kapag may okasyon.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 10  cougarish

    05/05/2012 | 01:48 AM
    side of defense..lol. Ayusin nyo naman ang pagsalin sa verbal to written..nakakahiya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • halabira

    05/05/2012 | 01:47 AM
    haha anong mahal don?binabad mouth mo nga si sen.kiko,kunyari mas magaling kang senador,ano bang naipasa mong bill na nakinabang ang publiko?buti pa si sen web,napkikinabangan na ngayon ang phil health,.puro ka lang press release,kung wala ang eat bulaga,di ka naman mananalo.buti pa ang patakbuhin na lang si joey de leon,mas may sense pa sa yo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glowinthedark2

    05/05/2012 | 01:22 AM
    yeah most likely the writer lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glowinthedark2

    05/05/2012 | 01:00 AM
    'same side of defense' o same side of the fence.. hahhaha sino ang mali si sen o ung writer?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lukaret1

    05/04/2012 | 11:52 PM
    Ang mali dito si Helen Gamboa. HIndi dapat lumapit si Sharon kay Helen. Dapat si Tito Sotto kung mahal nila si Sharon inuporta niya si Kiko na maging senate president. Bakit nakakabit siya kay Enrile? Mas malinis at may conviction si Kiko kaysa kay Tito Sotto. Marami itong nakurakot kay GMA at kasama ito ni Enrile sa pangungurakot. Dapat imbestigahan din ang SALN ni Tito Sotto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Enriquepags

    05/04/2012 | 11:51 PM
    I am sure tito sen meant "the fence" and not "defense". Ty.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • leenavi

    05/04/2012 | 11:46 PM
    Mr. senator showbiz,please keep your family rumbling with yourselves because WE DON'T CARE, concentrate on your work that we , as taxpayers are paying you for!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bananakiller00

    05/04/2012 | 11:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • susanboyle

    05/04/2012 | 11:19 PM
    hahaha takot si sharon na di magclick ang show niya. hiyang hiya siya ky mr. pangilinan kung sakali. so dapat lahat gigimick siya even at the expense of using tita helen or tito sen. kapit sa patalim kung baga. ganyan talaga pag palaos na. at lalo nang kung hindi niya matanggap na palaos na siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/04/2012 | 11:13 PM
    hindi naman kayo mahal, walang respeto sa inyo. ingrata sa auntie. gamit2 nakayo para sa bagong show nya, QUOTA NA SI SIARON, di ba piolo. gabby, robin, ritsard, rico,lino,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About