Ara Mina (right) on sister Cristine Reyes (left): "Paano mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali? Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit mabigat sa loob ko, kailangan ko gawin ito para proteksyunan naman ang sarili ko sa mga mapanira at mapanghamak na text nya. Hinihintay ko po ang public apology ni Cristine."

Photo: Noel Orsal

Humihingi si Ara Mina ng public apology mula kay Cristine Reyes bago niya ito kausapin para magkaayos sila.

Nagpadala ang aktres ng statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kunsaan kinumpirma niya na nakatanggap siya ng text message mula sa nakababata niyang kapatid.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ayon kay Ara, hindi pa niya sinasagot ang text message ni Cristine dahil hinihintay nitong “aminin” ng kapatid “ang kanyang nagawang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin.”

ARA’S STATEMENT. Narito ang kabuuang statement ni Ara:

“Nais ko pong kumpirmahin na nag-text sa akin si Cristine at nakikipag-ayos.

"Hindi po ako sumagot dahil hinihintay kong aminin niya ang kanyang nagawang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga nagawa.

“Iba ho kasi ang pinapalabas niya sa media sa ginagawa niya. Matapos niya kong i-text ng pakikipag-ayos ay pinagsisigawan naman niya ang Mommy namin. Yun po ba ang nagsisisi?

“Masakit ang sugat na ginawa ng kanyang mga paninira sa akin. Siniraan niya ako sa maraming tao.

“Mali po ang ikinakalat ng kanyang kampo na ako ang nagsa-publiko ng mga bagay na ito.

"Si Cristine ang nanira sa akin sa ibang tao.

"Ginawa ko lamang po ang tanging paraan na nakita ko upang matigil ang ginagawa niyang paninira sa akin at upang mabigyan siya ng leksyon kaya po ako nagsampa ng kaso.

“Sa awa po ng Diyos, tumigil na ang paninira niya sa akin sa text. Subalit walang pagsisisi on her part at sa kanyang ginawa.

"Paano mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali?

“Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit mabigat sa loob ko, kailangan ko gawin ito para proteksyunan naman ang sarili ko sa mga mapanira at mapanghamak na text nya.