news

Albie Casiño slapped by Andi Eigenmann when they bumped into each other; Albie allegedly attacked by Andi's friends

by Erwin Santiago posted on May 5, 2012  STATS: 82493 Views | 97 Comments

Young actor Albie Casiño accidentally bumped into ex-girlfriend Andi Eigenmann at Fiamma Bar at dawn today, May 6. Andi allegedly splashed drinks on Albie and slapped his face.

Photo By: Allan Sancon

Hindi naging maganda ang pagku-krus ng landas ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Albie Casiño sa isang bar kaninang madaling-araw, May 5.

Aksidenteng nagkita ang dating magkasintahan sa Fiamma Bar sa Jupiter St., Makati City.

Ayon sa kuwento ng ina ni Albie na si Rina Casiño sa PEP contributor na si Gorgy Rula kaninang tanghali, napadaan ang kanyang anak sa mesa ni Andi at ilang mga kaibigan nito.

Hindi malinaw kung nagkausap sina Andi at Albie nang magkita sila, pero sinabuyan daw ng alak ni Andi si Albie at saka sinampal sa mukha.

Pagkatapos nito ay dumiretso si Albie sa banyo upang hugasan at linisin ang isinaboy na alak sa kanya ni Andi.

Dahil sa nangyari, sinabihan daw ni Albie ang kasama niyang kaibigan na umuwi na lamang sila.

Pagdating daw sa parking lot, ayon sa kuwento ni Rina, ay bigla na lamang daw may humataw ng bote sa ulo ni Albie.

Maliban dito ay pinagtulungan din daw bugbugin ng ilang kalalakihan si Albie.

Ayon sa ina ni Albie, hindi nakilala ng kanyang anak kung sino ang humampas ng bote sa ulo niya.

Pero nakilala raw ni Albie ang mga kasama ni Andi noong gabing iyon.

Pinili ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag munang banggitin ang mga pangalan ng sinasabing nambugbog kay Albie dahil hindi pa pormal na nagsasampa ng reklamo ang kampo ng young actor laban sa mga ito.

Dahil sa tinamong mga sugat ay isinugod si Albie sa Makati Medical Center kunsaan nilapatan siya ng karampatang lunas.

Pero mga bandang alas-tres ng madaling-araw ay pinayagan na raw itong umalis.

Dahil nasa Subic, Zambales ang mga magulang ni Albie nang maganap ang insidente ay dumiretso muna ang young actor sa bahay ng kanyang lolo’t lola.

Dito raw kasalukuyang nagpapahinga si Albie.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

97 Comments

  • 97  Kaye8519

    05/07/2012 | 08:31 PM
    Hindi naman pala nya nakilala kung sino ang humampas sa kanya bakit sya nangbibintang sa TV? Nagpapaawa pa sya. Karma na nya yan. He deserves that. Actually, in my opinion he deserves more than sakit ng katawan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  K4rm4

    05/07/2012 | 01:50 PM
    buti nga hampas sa ulo lang naabot nyan. nku pag ako nanay ni Andi. Hinde lang hampas sa ulo ang aabutin ni Albie. buti nalang wala doon sa bar si Clau clau kung hinde bugbug sarado ka din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  K4rm4

    05/07/2012 | 01:48 PM
    Isa pa tong si Albie. O sige ipabugbug din si Albie kay Claudine para matauhan at maturuan ng leksyon. Dios ko hinde naman pala kilala kung sino ang naghampas sa ulo. Ang nanay konsintedor pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  mindfreak79

    05/06/2012 | 03:42 PM
    mrs casino, anak nyo na din nagsabi, hindi nya nakilala ang humampas ng bote sa kanya, so dont assume na mga kasama ni andi yon ok?! kung me mga eyewitness, go ahead and get their testimony.i hate albie pero sana di naman grabe ang nangyari sa kanya..pag namatay pa un, konsensya pa ni andi..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  sammm888

    05/06/2012 | 11:40 AM
    BUTI NGA sa ALBIE na yan. KULANG pa yan Mr and Mrs Casino!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  sixtogracia

    05/06/2012 | 09:00 AM
    ang taong walang gingawang masama, hindi nabububog.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  skittlesrainbow

    05/06/2012 | 08:16 AM
    hindi kasalanan ng iresponsableng lalaki na yan ang kanyang mga aksyon, ganyan syang pinalaki ng NANAY AT TATAY NYA! walang kuwentang tao! at si ANDI naman anong ginagawa sa BAR ng MADALING ARAW? susmaryosep may anak na malaiit nasa kalye pa sa disoras ng gabi....kawawang BABY nila parehong irresponsable ang ama at ina!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  dreamer

    05/06/2012 | 07:21 AM
    i salute andi for keeping the child but i cant blame albie for wanting to have a DNA test done. wala namang masama lumabas si andi once in a while but i wonder how much time she spends with her friends and how much time she spends with her kid. just wondering...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  humandynamics

    05/06/2012 | 05:25 AM
    i can understand na nagagalit ang marami dahil inako ni albi ang pagbubuntis ni andi, at the same time i can also understand kung bakit kine-question ni albi ang baby ni andi.. kaya sila naghiwalay nag cheat si andi tapos bigla nalang sasabihan na ikaw ang ama ng anak niya? tapos ayaw pa ng DNA test, siya nga mismo baka hindi alam kung sinong nagpunla non eh! hayyyst kung bakit kasi ang daming balahura sa mundo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  Kazumichan

    05/06/2012 | 03:49 AM
    There is a thing called Post Partum Depression. New Moms are actually encouraged to take a break and go out from time to time kasi mahirap talaga mag-alaga ng baby 24/7. I am not saying this is the case with Andi. Pero kapag lumabas agad ang isang new mom, masama na agad? Di ba pede taking a break lang. Wag sana i-stereotype na bad agad kapag lumabas labas kapag new mom.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  topengga

    05/06/2012 | 01:03 AM
    Ah, umirap raw ang bak la kay Andi. Wala talagang b a l l s. Bugbog lang, hindi bugbog sarado ? Umiyak ba at nagsumbong sa mommy niya ? Spineless piece of s h i t.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  chejhie

    05/06/2012 | 12:47 AM
    siguro naman makaka-move on na si Andi dahil nakaganti na sya dito sa isa. dapat di lang bugbog ginawa nila, sana tinuluyan na rin. kasi wala naman kwentang nilalang ito. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  aeonflux82

    05/06/2012 | 12:30 AM
    hal1par0t talaga tong babaeng toh. di pa nga nagsara ang tah1 sa pagpanganak nya eto at umaariba na naman sa mga bar..may quota ba etong hinahabol? haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  LosAngeles

    05/06/2012 | 12:22 AM
    Oh poor deadbeat dad! ur still lucky fool..hindi ka naka crutches! no one will feel sorry for you...i hope your mom will stfu....she is an enabler for you being walang kwentang ama!! and if it was true u used to beat her up....karma will pay you..hope sooner than later!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  grazildachuvastra

    05/05/2012 | 11:53 PM
    PAPANO kaya hahandle ng Star Magic ang skandalo na ito ng pambubugbog ng artista nila? So far successful silang kontrolin kacheapan ni Kristine Reyes sa mga kabastusang messages nito sa ate niya! For sure pang TV news itong kinasangkutang bugbugan nina Andie at Albie. May mga nambugbog kay Albie at tama lang na magreklamo ito sa pulis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  alexis2222

    05/05/2012 | 11:45 PM
    they're of legal age... kaya nga nakakapasok na sila ng bar... dapat nga at this point naka hiwalay na sila sa mga parents nila... of course this will be an issue kasi mga kapamilya sila at sikat... kung mga kapuso yan, kahit nagsaksakan ng bote, keber lang lahat... hahahahahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  diane84

    05/05/2012 | 11:43 PM
    si andy kht kapapanganak palng at hndi pa nkka bangon sa career nya ay may gulo na nmn! bka mabuntis na nmn yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  halabira

    05/05/2012 | 11:40 PM
    Anong ginagawa ng mga batang ito sa bar ng madaling araw?parang walang mga magulang...hmp
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  endot

    05/05/2012 | 10:44 PM
    ay oo nga hindi naman pala puro lalake kasama ni andi! kasama pala si maxene! my goodness! isa pang kanuknunukan ang kalandian at kalaswaan ng babaeng itits! same feather flocks together!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  mygian_gio

    05/05/2012 | 10:30 PM
    bakit sinasabi puro lalake kasama ni andi...lalake na ba ngayon si maxene? at di ba bf at bro ni max 2..so bakit i-aassociate yun lahat ng guy na lalake ni andi? mga judgemental people talaga...research pa kayo nagdeny na si carlos at frank na kasama sila ni andi...pero dito lahat assuming na lahat ng mentioned boys kasama at mga lalake ni andi...get your facts straight and clear po
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About