Elmo Magalona (left) and Julie Anne San Jose (right) won the Most Stylish Love Team Award at the Candy Style Awards held at the Rockwell Tent last night. Meanwhile, Elmo has denied rumors of a relationship with Lauren Young (inset).

Photo: Noel Orsal

Itinanggi ni Elmo Magalona na may namamagitan sa kanila ni Lauren Young.

Dumating sa kauna-unahang Candy Style Awards kagabi, May 4, na ginanap sa Rockwell Tent ang magka-love team na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na nanalo bilang most Stylish Love Team.

Nandun din si Lauren Young kasama ang kanyang ate na si Megan. Ang dalawa ay nanalo bilang Most Stylish Sisters.

Magkasabay namang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang magka-love team.

Tinanong namin si Elmo kung ano ang reaksiyon nito sa balitang nakakatanggap daw diumano si Lauren ng mga hate messages mula sa mga fans ng JuliElmo.

“Hindi ko sure. Hindi ko sure kasi…hindi ko naman nakikita yung mga ganung…”

“Pero, kasi…hindi naman namin hawak yung ginagawa ng mga tao…”

“Pero…it’s like, it’s not our business...it’s no one’s business…”

“Kung ano na lang yung nangyayari…alam mo yun, hindi namin alam kung ano yung magiging reaction,” ang sagot ng binata.

Si Julie Anne naman ang hiningan ng pahayag kung ano ang kanyang pakiramdam at may mga taong pinagbabangga sila ni Lauren.

“Actually, ano e...Kasi...wala naman po talaga kami dapat pag-awayan dahil, in the first place, hindi pa naman po kami nagkakatrabaho ni Lauren.”

“And, ayun…parang…okay naman po kaming dalawa. Pag nagkikita kami, as in casual lang.”

“So, parang, I don’t get the point na parang, ah, naghahanap sila ng way para pagbanggain kaming dalawa,” sagot ng dalaga.

Nauna nang ipinahayag ni Julie Anne na may girlfriend na si Elmo ngunit binawi rin niya ito at diumano’y maaring “na-misquote” lamang siya. (CLICK HERE to read related article)

Hindi ba ito nakakaramdam ng kahit konting selos sa kanyang ka-love team?