“I believe it should be acceptable for him to accuse me of such a thing, but I honestly don’t have anything to do with it,” says Andi Eigenmann about allegations that she’s involved in the brawl that ensued after her confrontation with ex-boyfriend Albie Casiño.

Photo: Noel Orsal / Allan Sancon

Totoong sinabuyan ni Andi Eigenmann ng alak ang dating kasintahan na si Albie Casiño nang magkita sila sa isang bar sa Makati kaninang madaling-araw, May 5.

Pero pinabulaanan ng young actress na may alam siya sa nangyaring gulo pagkatapos ng kumprontasyon nila.

Sa press statement na ipinadala ni Andi sa ABS-CBN News, na nailathala kaninang hapon sa website nito, iginiit ng anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil na wala siyang ideya tungkol sa pambubugbog umano ng mga kabarkada niya kay Albie.

Ayon kay Andi, “It was my first time seeing him face to face. He gave me a bad look and I felt really bad. I thought I have moved on but because of the incident wounds of the past came back."

Matatandaan na nagsimula ang hidwaan sa pagitan ng dating magkasintahan nang mapabalitang buntis si Andi, at ang itinuturong ama ay si Albie. Subalit hindi inako ni Albie ang sanggol na isinilang ni Andi noong Nobyembre 23, 2011.

Pahayag pa ni Andi, “I admit that out of impulse, I threw wine on his face, and the next thing I heard was he was being beaten up outside."

Bagamat tanggap ni Andi ang pagbibintang sa kanya sa nangyaring pambubugbog, iginiit naman niya na wala siyang alam tungkol dito.

“I was inside when it happened,” depensa ni Andi.

“I believe it should be acceptable for him to accuse me of such a thing, but I honestly don’t have anything to do with it.”

ALBIE TO FILE COMPLAINT. Ayon sa naunang kuwento ng ina ni Albie na si Rina Casiño, bigla na lamang daw may pumalo ng bote sa ulo ng kanyang anak habang nasa parking lot ito ng Fiamma Bar.

Hindi nakilala ni Albie kung sino ang humampas ng bote sa ulo niya.

Pero nakilala raw ni Albie ang mga kasama ni Andi noong gabing iyon.

Bagamat may ilang ulat na kumilala sa mga kasama umano ni Andi na bumugbog kay Albie, mananatili naman ang desisyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag munang banggitin ang kanilang mga pangalan dahil hindi pa pormal na nagsasampa ng reklamo ang kampo ng young actor laban sa mga ito.

Kasalukuyang nasa Subic, Zambales ang mga magulang ni Albie nang maganap ang insidente. Gayunman, agad daw nila itong ipapa-blotter pagdating nila ng Maynila.

 

(CLICK HERE to read related article.)