news

Albie Casiño's mom to Andi Eigenmann: "This time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up."

by Gorgy Rula posted on May 6, 2012  STATS: 201208 Views | 161 Comments

Mrs. Rina Casiño went to Precinct 9 of the Makati Police Station in Poblacion, Makati to file a police report about a brawl involving her son, young actor Albie Casiño.

Photo By: Facebook / Gorgy Rula

Nagpa-blotter na kagabi, May 5, ang ina ni Albie Casiño na si Rina Casiño sa Precinct 9 ng Makati Police Station sa may Poblacion, Makati.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog sa kanyang anak kahapon ng madaling-araw sa parking lot ng Fiamma Bar sa Makati City.

(CLICK HERE to read related story.)

Kasamang dumating ni Rina sa police station ang asawa niyang si Bonjet Casiño, na galit na galit din sa nangyari sa kanilang anak.

Hindi sumama si Albie dahil kailangan pa raw nitong magpahinga sa mga sugat at pasang tinamo nito sa pambubugbog sa kanya.

Pinayuhan pa raw ng doktor ang young actor na bumalik ng Makati Medical Center para sa karagdagang tests.

NOT FOUR, BUT SIX. Ayon kay Mrs. Casiño, hindi lang apat kundi anim ang nambugbog sa kanyang anak.

Pinayuhan daw siya ng kanyang abugado na huwag munang magbanggit ng pangalan ng mga hinihinalang nambugbog kay Albie dahil hindi pa raw nila naisampa ang kaso.

Umiiyak ang ina ni Albie na inilahad ang nangyari sa kanyang anak.

Ang ikinasama pa niya ng loob, walang kalaban-laban ang anak niya sa mga malalaking taong may kagagawan nito.

“My son is turning 19 [on] May 14, and ten years older yung mga dumamba sa kanya,” mangiyak-ngiyak na pahayag Mrs. Casiño.

“Ngayon I’m getting reports... kasi ang daming tao namang may concern sa kanya [Albie] ang nagkuwento sa amin.

“May warning kasi sa kanya ang mga friends nito na sinabihan siyang ‘Pare, umalis na kayo kasi parang may mangyayari.’”           

Dagdag pang kuwento ng ina ni Albie, “After na binugbog siya, tumakbo itong si Andi, ‘Oh, what happened to you, what’s wrong?’

“Siyempre, alangan namang sagutin ng anak kong ‘I’m okay. I’m fine.’ Siyempre galit sa kanya ang anak ko.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

161 Comments

  • 161  pinaypay2

    05/16/2012 | 06:14 PM
    Ipa DNA ang anak ni Andi para malaman ang totoong ama. Dapat legal ang labanan. Dami kayang lalaki ni Andi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 160  soclose08

    05/15/2012 | 12:12 PM
    Albie Casino... Bakla.. irresponsable..at mama's boy!..that's all!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 159  this_is_just_me

    05/09/2012 | 02:18 AM
    tuwing tinitignan ko picture nung nanay, di ako naaawa, nabubwisit pa nga ko e. mukhang kontrabida na nagpapanggap na aping api. di na po bata yang anak nyo at sigurado ka bang wala syang inagrabyado?!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 158  landstown

    05/08/2012 | 12:25 PM
    daming boys ni andi kaya takot magpa dna test, kawawang albie siya na ang kinaliwa siya pa ang nabugbog.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 157  alexitorin

    05/08/2012 | 03:46 AM
    Albie at momy, para kayong pinagbiyak na . . Hawig na hawig ang inyong malalaking ilong.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 156  alexitorin

    05/08/2012 | 03:44 AM
    ALbie, you just don't beat up a pregnant woman. No one should. Binugbog mo si Andy while she was 3 months pregnant. Kinunsinti naman ng mommy mo ang iyong pambubugbog. You even offered to pay for her hospital bills. So that means there is an admission of guilt. Anong klaseng lalake ka ? B a k la ka siguro at laking galit mo sa babae. Ginawa mo lang na makipag girlfriend para maitago ang iyong kasarian. Galit ka ng mabuntisan mo ang for show girlfriend mo. Meron ka bang bagong girlfriend ngayon ? Boyfriend, meron ?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 155  gormiti_2009

    05/07/2012 | 09:41 PM
    why are they willing to shoulder the hospital bills of andi? wow, dami nilang pera and i think n ceasarean at sa st lukes pa ata nanganak c andi, expensive dun. maybe they are just generous or plain stupid or kamag anak nila yung anak ni andi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 154  gormiti_2009

    05/07/2012 | 09:34 PM
    mommy, ang dapat mong gawin e magkaroon kyo ng heart 2 heart talk ng baby boy mo at pangaralan mo na kung kaya nya gumawa ng bata, kaya din nya magsalita sa t.v. at ipagtanggol ang sarili nya hindi yung lagi nlang ikaw ang nagsasalita for him, napaghahalata tuloy na mama's boy yan and i hope you realize also na he is no innocent little boy but an irresponsible good for nothing jerk.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 153  Kaye8519

    05/07/2012 | 08:36 PM
    Albie Casiño's mom to Andi Eigenmann: "This time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up." > HELLO!??? AS IF KAYO ANG NAAPI!!!! KARMA na ni Albie yan 'no! PLS LANG WAG NA KAYO MAGPAAWA. DI KYO NAKAKAAWA. LALO LANG NAKAKAINIS.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 152  mypointofviewlang

    05/07/2012 | 04:47 PM
    hay naku, bakit ba palagi itong nanay ni Albie ang nagsasalita? ano un anak niya? natandaan k pa un isang interview dati, asked sa kanya kung siya ba ang tatay ng anak ni andi eh ang sagot - Ako, quiet lang ako! ugok! kung marunong kang gumawa dapat marunong ka din umamin! hindi un kung ano ano story ang iimbentuhin mo! at saka itong nanay konsintidora din! bakit siya ang salita ng salita? ang anak mo kung marunong ng makipagtalik, dapat marunong din managot at more importantly, dpat marunong din sumagot at magsalita, na oobvious tuloy that under the thumb of a domineering mother siya, kaya takot umamin nakabuntis siya! nakakagigil! buti nga sayo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 151  eltonaclao

    05/07/2012 | 04:20 PM
    Such a pathetic person. What goes around comes around. Karma yan kay Albie. Kung tutuusin mas agrabyado pa si Andie. Si Albie pwede mangalap ng fabricated evidences and witnesses. Eh si Andie, paDNA test niya lang anak niya eh sure na si Albie ang Ama. Mrs. Casino, ina po rin kayo. Paano na lang kung ang ama ni Albie nung pinagbubuntis niyo siya eh itanggi na anak niya ang dinadala mo? How would you feel about that? Kung tinuruan niyo ng magandang asal iyang anak mo eh dapat pinanagutan na lang niya ang anak niya kay Andie. He's a guy. Kung binugbog siya, baka napaaway siya sa mga kalalakihan na nasa bar di at hindi dahil kay Andie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 150  rotoscaper

    05/07/2012 | 04:19 PM
    lol kaya ni albi casino magpaputok ng lahi sa mundo and not take responsibility for it pero mag rereklamo sa pulis kasama pa yung nanay lol. right now im really doubting na kung sya yung tatay ng anak ni andi kasi this guy's got no balls man.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 149  K4rm4

    05/07/2012 | 04:15 PM
    Artista din pala itong si Mrs Casino pang famas din. kaya lang di ako na kombinse sa crocodile tears nya. ITs so obvious na nagsisinungaling sila its all over her face. Tamang tama kasi nagkaroon ng confrontation sila ALbi at Andi then tamang tama maraming nakakita sa insidente perfect time din na gawang malaking issue. Like parang binugbug daw tapos blame it on Andi. Mga tao na involved daw sa imaginary bugbugan e wala naman pala doon. ayusin nyo story nyo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 148  K4rm4

    05/07/2012 | 04:03 PM
    natawa ako sa interview ni Mrs Casino parang nandoon sya e hinde naman pala sure na kasama ni Andi yun. Grabe na yang pag alipusta ninyo kayAndi sobra sobra na. Si Andi na nga ang na agrabyado sya pa ang sinisisi. Dapat talga na magsalita kana Andi para matapos na ang kabaliwan ng mag inang yan. nasira na kasi career ni Albi kaya perfect moment yan na gawan ng ingay, to get back on Andi para masira sya. kung nabugbug talga si Albi e parang self inflicted ang mga bruises nya. hinde putok ang mukha kung apat ang nangbugbug sana putok mukha. its self inflicted very obvious.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 147  inblack

    05/07/2012 | 03:20 PM
    rina casino,tunog pok pok ang name..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 146  K4rm4

    05/07/2012 | 02:23 PM
    ayan ang nanay na naman nang nagsasalita. tsk tsk hinde pala lalaki si Albie nagtatago sa skirt ng nanay nya. hayan tama lang yan sa anak nyo Mrs Casino kasi ang yabang yabng.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 145  K4rm4

    05/07/2012 | 02:17 PM
    remember binugbug ni Albie si Andie? o hayan karma na nya yan. Pano ba nakakasiguro si Mrs Casino kung si Andi nga ang nagpabugbug? Maraming tao sa Bar baka may mga grupo doon na narinig sa altercation ni Andi at Albi kaya hayan nabugbug sya. Marami kaya ang galit kay Albie dahil sa ginawa nyang pambabastus kay Andi. Kunsintidor pala tong nanay kaya itong si Albi ganyan ugali. nabasa ko kaya formspring nyan noon ang sama sama pala ugali ni Albie. Im not surprised the apple did not fall far from the tree jack.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 144  MissHugoBacungan

    05/07/2012 | 12:24 PM
    MONEY HUNGRY. ano ang dahilan at ipabugbog ni Andi Eigenwoman si ALBIE Casino? Dahil ba sa humihingi si Andi ng sustento at ayaw magbigay ni Andi on the reason of paternity? Magkademandahan na sana at magkalkalan na talaga at magkaroon ng DNA test. Tingnan natin kung sino ang saSADSAD sa hiya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 143  lukaret1

    05/07/2012 | 10:38 AM
    Bakit ang dami dito galit kay Albie dahil nabuntis si Andi na ayaw tanggapin ni Albie na kanya yun unless magpa DNA? Si Andi ang babai at matanda pa siya kay Albie hindi ba dapat siya ang mas responsible and to top it all hindi na sila ni Albie ng madiskubre niyang buntis siya. Ang tanong bakit ayaw niyang magpa DNA? Dahil baka hindi kay Albie at baka mapahiiya siya? It is ;not too late kung gusto niyang kilalanin nina Albie ang bata why not. Ang cute pa naman ng baby. Give her the right to know her father.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 142  iamagic

    05/07/2012 | 10:02 AM
    ang gulo ng mundo ng showbiz. yun lang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About